BBM3 Pinipirmahan bilang batas ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Republic Act No. 12022, na kilala bilang Anti-Agricultural Economic Sabotage Act, Huwebes, September 26, 2024, sa Kalayaan Hall Malacañan Palace. PPA POOL – Ryan Baldemor

Ngipin ng gobyerno vs mapagsamantala sa produktong agri mas malakas na

Chona Yu Sep 26, 2024
100 Views

BBM4MAS malakas na ngayon ang ngipin ng gobyerno laban sa mga magsasamantala sa produktong agrikultura.

Ito ay matapos pirmahan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang Anti-Agricultural Economic Sabotage Act.

Nilagdaan ni Pangulong Marcos ang Republic Act No. 12002 sa isang seremonya sa Malakanyang.

Layon ng bagong batas na palakasin ang sektor ng agrikultura sa pamamagitan ng paglansag sa mga iligal na aktibidad na naka-aapekto sa supply at presyo ng pagkain.

Kabilang dito ang smuggling, hoarding, profiteering at operasyon ng kartel.

Sa kanyang talumpati, binigyang diin ng Pangulo na ang mga krimeng ito ay banta hindi lang sa ekonomiya kundi sa national security.

Naglalagay rin anya ito sa alanganin sa kabuhayan ng mga Filipinong magsasaka at mangingisda, at banta sa food sustainability.

“To those who seek to sow chaos in the fertile fields and waters that sustain us: The hand of justice will swiftly and decisively find you,” pahayag ni Pangulong Marcos.

“Economic sabotage in agriculture is not simply a tale of dubious deals and inflated profits; it manifests as well as hunger, desperation, as betrayal,” dagdag ni Pangulong Marcos.

Ayon kay Pangulong Marcos, noong 2023 lamang, nasa P3 bilyon ang nawala sa gobyerno dahil sa agricultural smuggling.

“Let us then acknowledge the gravity of the situation: These crimes threaten not only our economy but our national security as well. It jeopardizes the livelihood of hardworking Filipino farmers and fisherfolk and it threatens the food sustainability of our communities,” pahayag ni Pangulong Marcos.