NIA Ipinagkaloob ni NIA-UPRIIS Division 6 manager Engr. Jose Ariel Domingo (5th from left) ang apat na cheke na may halagang P50,000 bawat isa sa apat na farmers-irrigators-group sa livelihood program. Kuha ni Steve Gosuico

NIA nagbigay ng P200K na ayuda sa mga magsasaka

Steve A. Gosuico Mar 15, 2025
15 Views

GUIMBA, Nueva Ecija–Umabot sa P200,000 na tulong pinansyal ang nai-turn-over sa apat na Farmer-Irrigators Associations (FIAs) ng Division 6 office ng National Irrigation Administration-Upper Pampanga River Integrated Irrigation Systems noong Lunes.

Ayon kay NIA-UPRIIS Div. 6 manager Engr. Jose Ariel Domingo, apat na tseke na nagkakahalaga ng P50,000 bawat isa ang ibinigay sa FIAs para magsilbing seed money sa kanilang napiling livelihood assistance project tulad ng urban gardening at goat production.

Ang mga benepisyaryo sa livelihood assistance program ng NIA ang ANAMCU FIA na pinamumunuan ni Sofronilo Santiago, Talugtug-Guimba FIA– Federico Sinense III, ang V8CN1 FIA—Eduardo Capinpin at Bagong Anyo FIA—Jovito Tabucaca.

Ang livelihood assistance program pet project ni NIA Administrator Eduardo Eddie Guillen alinsunod sa mga direktiba ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na magbigay ng sustainable na suporta sa mga magsasaka at tulungan silang makakuha ng mas malaking kita at dagdagan ang kabuhayan.