Calendar
OFW dapat talagang ituring na mga bayani
MAGANDANG araw sa lahat ng ating mga suki, lalo na sa Japan at Oman.
Nawa’y nasa maayos at ligtas kayong kalagayan.
Binabati natin ang mga kababayan natin sa Japan na sina Ma. Theresa Yasuki, La Dy Pinky, Mama Aki, Tata Yap Yamazaki, Endo Yumi, Lorna Pangan Tadokoro, Patricia Coronel, Winger dela Cruz, Yoshiko Katsumata, Hiroki Hayashi, Roana San Jose at Hiroshi Katsumata.
Ganun din kay Joann de Guzman at iba pang OFW natin sa Oman.
Mabuhay kayong lahat!
(Para sa inyong pagbati at opinyon, mag-text sa # +63 9178624484)
****
Dahil sa laki ng ambag sa ating ekonomiya, dapat naman talagang ituring na bayani ang ang mga overseas Filipino workers (OFWs) at lahat ng mga kababayan nating nakatira na sa labas ng bansa.
Ito ang mga Pilipinong nakapag-asawa ng mga banyaga o mga naturalized American o Japanese citizens.
Kahit nag-iba na ang kanilang citizenship, nananatili silang mga Pinoy sa puso.
Kaya dapat nating parangalan ang mga ito sa pamamagitan ng pagtrato “with respect at integrity sa kanilang mga“balikbayan boxes na ipinapadala sa Pilipinas.”
Kadalasan, ang laman ng “balikbayan box” ay canned goods, laruan, damit, sapatos, pabango at iba pang personal items.
Hindi nila nakakalimutan ang mga kamag-anak, kaibigan at kababata sa Pilipinas.
Lalo na kapag panahon ng Kapaskuhan, na nagsisimula sa buwan ng September, ang una sa apat na “ber months” ng taon.
Kaya nga saludo tayo sa Bureau of Customs (BOC), na pinamumunuan ni Commissioner Ariel S. Nepomuceno, sa kanilang malasakit sa lahat ng overseas Filipinos.
Kamakailan ay nagtatag ang BOC ng isang opisina na mag-aasikaso sa lahat ng “balikbayan boxes.”
Ang opisina ay ang “Balikbayan Action Center” (BAC). Ito ay pamumunuan ng Assessment and Operations Coordinating Group.
Ang grupo ay kailangang mag-submit ng monthly update “to ensure accountability,” ayon kay Nepomuceno.
Magpapatupad rin ang BAC ng mga reporma “to restore confidence on customs procedures,” dagdag pa ni Commissioner Nepomuceno.
Ang sabi nga ni Nepomuceno ay ang inisyatibong ito “demonstrates our firm resolve to protect the interest of overseas Filipinos.”
Ang ibig sabihin nito ay dapat pangalagaan ang interest ng mga overseas Filipinos sa pamamagitan ng pagtrato sa kanilang mga balikbayan boxes with “fairness and transparency.”
Sa pamamagitan nito ay maipakita natin ang ating pagmamahal sa ating mga kababayang nasa ibang bansa.
Huwag natin kalimutan na malaking tulong sa ating ekonomiya ang mga dollar remittances ng overseas Filipinos.
Hindi lang yan. Napag-aaral din nila ang kanilang mga anak sa kolehiyo at unibersidad sa Manila.
Salamat din sa labor department dahil sa ipinapakitang malasakit sa ating mga OFWs at iba pa nating kababayan na nakatira sa ibang bansa.
Saludo tayo sa ginagawa nina Commissioner Nepomuceno para protektahan ang kapakanan ng mga overseas Filipinos.
***
Napapakamot na lang ng ulo ang marami nating kababayan dahil sa mga problemang dulot ng mga ma-anomalyang flood control projects.
Mukhang kanya-kanyang batuhan na lang ng putik.
Pero ang mahalaga ay may ginagawa ang mga otoridad para mabigyang linaw ang mga nangyayari sa bansa.
Naniniwala tayo na hindi hahantong sa kaguluhan ang galit ng taumbayan sa mga ma-anomalyang infrastructure projects sa iba’t ibang parte ng bansa.
Walang magandang idudulot ang kaguluhan o karahasan.
Idaan natin sa legal means ang lahat ng mga hinaing ng taumbayan, lalo na ang korapsyon sa gobyerno.
Talagang nakaka-high blood ang mga nangyayaring kalokohan sa gobyerno.
Ang atin lang, hindi ito dahilan para tayo ay magka-wawak-watak.
Kasuhan ang mga may kasalanan at pabayaan ang ating mga korte para desisyonan ang mga kaso.
Hindi puwedeng idaan sa init ng ulo ang pag-resolba sa ating mga problema.
