Falconi

OFW Party List: PAL, Cebu Pacific iniligay sa panganib trabaho ng mga OFWs dahil sa flight cancellation,

Mar Rodriguez Jun 25, 2023
144 Views

Falconi1Falconi2Falconi3INILAGAY sa panganib ng Philippine Airlines (PAL) at Cebu Pacific ang trabaho ng napakaraming Overseas Filipino Workers (OFWs) matapos ang nangyaring “flight cancellation” kung saan naantala ang biyahe ng mga Migrant workers pabalik sa bansang pinagtatrabahuhan nila.

Ito ang binigyang diin ni OFW Party List Congresswoman Marissa “Del Mar” P. Magsino, sa panayam ng People’s Taliba, na dahil sa “flight cancellation” maraming OFWs ang nalagay sa balag ng alanganin pabalik sa mga bansang pinagta-trabahuhan nila matapos magbakasyon sa Pilipinas.

Sinabi ni Magsino na hindi isina-alang alang ng PAL at Cebu Pacific ang kapakanan ng mga OFWs dahil hindi naman aniya sila bibiyahe palabas ng bansa para magbakasyon o magliwaliw lamang.

Kundi para bumalik sa kanilang trabaho para tustusan ang pangangailangan ng kanilang pamilya.

Iginiit ni Magsino na ang nangyaring “flight cancellation” ay isang malinaw umanong indikasyon kung gaano ka-iresponsable ang PAL at Cebu Pacific sapagkat ginawa nila ang flight cancellation sa mismong araw ng kanilang biyahe sa halip na abisuhan ang mga OFWs ilang araw bago ang kanilang flight.

Ipinaliwanag pa ni Magsino na mas malaking impact aniya para sa mga OFWs ang nasabing flight cancellation dahil kinakailangan nilang bumalik agad sa kanilang trabaho. Sakaling hindi naman sila makarating sa takdang araw ng kanilang pagbabalik ay maaari umano silang mawalan ng trabaho.

Muling binigyang diin ng OFW Party List Lady solon na mayroon na aniyang schedule kung kailan kailangang bumalik ang mga OFWs sa kanilang mga trabaho o “return to work order” Kung saan kapag nakansela ang kanilang flight sa anumang dahilan ay maaari silang tanggalin ng kanilang mga employer.

“Mayroon na silang mga schedule kung kailan sila dapat magsimulang bumalik sa kani-kanilang mga trabaho sa abroad o return to work order. Kapag nakansela ang ang flights nila ano pa man ang dahilan. Malaking inconvenience ito para sa ating mga OFWs dahil maaari silang mawlan ng trabaho,” Paliwanag pa ni Magsino.

Samantala, puspusan naman ang ginagawa ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Region 3 sa pangunguna ng Regional Director nito sa si Atty. Falconi “Ace” V. Millar sa pag-asikaso sa mga pangunahing pangangailangan kabilang ang ang problema ng mga Migrant workers.

Personal na inaalam at inaasikaso ni Atty. Milar ang problema ng mga OFWs na dumudulog sa kanilang tanggapan (OWWA Region 3) para humingi ng tulong kaugnay sa mga problemang kinakaharap ng mga ito.