Calendar

OFWs, Pinoy seafarers pinayuhan ni Magsino na magpa-enroll na agad para sa OVCS
PARA hindi mapurnada ang pagboto ng mga manggagawang Pinoy sa abroad. Nananawagan si OFW Party List Rep. Marissa “Del Mar” P. Magsino sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs) at Filipino seafarers na magpa-enroll na sila ng maaga para sa gaganaping Online Voting and Counting System (OVCS) na gagamitin para sa mga overseas voters sa darating na 2025 midterm Elections sa Mayo.
Sabi ni Magsino na upang hindi sila maabutan ng deadline na itinakda sa darating na May 7 ilang araw bago sumapit ang eleksiyon. Makabubuti aniyang asikasuhin na ng mga OFWs at Pinoy seafarers ang pagpapa-enroll para sa OVCS sa lalong madaling panahon.
Ayon kay Magsino, inanunsiyo ng Comission on Elections (COMELEC) ang paglipat ng petsa ng pre-enrollment period para sa internet voting sa Marso 20, 2025 mula sa orihinal o dating petsa nito na May 7 ng kasalukuyang taon.
Gayunman, naniniwala ang OFW Lady solon na ang pagbabago ng COMELEC ng petsa ay naglalayong tiyakin na magiging maayos at epektibo na maipapatupad ang OVCS na unang beses pa lamang gagamitin sa kasaysayan ng halalan sa Pilipinas.
Ani Magsino, suportado din ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang pagpapalawig ng pre-enrollment period para masiguro na lahat ng teknikal na aspeto at mga probisyon sa ilalim ng Republic Act No. 9369 o ang Election Automation Law ay matutupad para maging maayos ang bagong sistemang ito (OVCS).
“Ang paggamit ng OVCS para sa ating overseas voters ay isang makasaysayang hakbang patungo sa mas mabilis at mas maginhawang paraan ng pagbabago para sa ating mga OFWs at mga seafarers. Mahalaga ito upang mahikayat silang aktibong gamitin ang kanilang karapatang bumoto bilang mga mamamayang Pilipino,” wika ni Magsino.
Dahil sa pina-ikli ng COMELEC ang pre-enrollment period. Muling pinaalalahanan ng kongresista ang mga OFWs, Overseas Filipinos (OFs) at Filipino seafarers na mag-enroll na sila agad upang hindi malampasan ng enrollment period.
“Dahil mas maikli na ang pre-enrollment period. Kailangan kumilos tayo agad upang masigurong walang OFW ang maiiwan sa online voting. Huwag nating sayangin ang pagkakataong makinahagi sa kauna-unahan at makasaysayang internet voting sa ating bansa,” sabi pa ni Magsino.