Ogie

Ogie, Michelle may anak nang nurse

Vinia Vivar Jun 9, 2024
49 Views

Naka-graduate na ng kursong Nursing ang second daughter nila ni Michelle Van Eimeren na si Sarah Alcasid.

Ipinost ni Ogie sa Instagram ang larawan ng graduation ceremony ng anak sa Australia.

“Anak, i am so proud of you!!! @sarahalcasid now has a bachelor of nursing degree!! Hallelujah!!!” caption ni Ogie.

“So excited to see you and the fambam in a few days!!! Love you!!! Ty @michellevaneimeren for the pic,” sey pa niya.

Sa huling interbyu namin kay Ogie two weeks ago ay nabanggit niya na nakatakda siyang pumunta sa Australia para nga makita ang nagtapos na anak.

Proud niya ring sinabi na tatlong anak niya ang magkakasabay na ga-graduate ngayon.

“Actually, tatlo silang ga-graduate. Si Nate (anak nila ni Regine Velasquz) nag-graduate ng grade school, si Leila (eldest daughter nila ni Michelle), nag-graduate ng college, si Sarah rin. So triple celebration,” ani Ogie.

Ang pagtatapos ng tatlong anak ay para na ring early gift for Ogie sa Father’s Day ngayong June.