DOH

Omicron case sa bansa nadagdagan ng 658

152 Views

NADAGDAGAN ng 658 ang bilang ng Omicron variant ng COVID-19 sa bansa, ayon sa Department of Health (DOH).

Batay sa resulta ng pagsusuri na isinagawa mula sa mga specimen na nakolekta mula Hulyo 20 hanggang Agosto 22, 624 sa mga bagong kaso ng Omicron ay BA.5 subvariant.

Sa bilang na ito 134 ang mula sa Metro Manila, 119 mula sa Cordillera Administrative Region (CAR), 61 mula sa Calabarzon, 56 mula sa Soccsksargen, 41 mula sa Central Luzon, 40 mula sa Caraga, 35 mula sa Central Visayas, 33 mula sa Cagayan Valley, 26 mula sa Ilocos Region, 22 mula sa Bicol Region, 15 mual sa Mimaropa,tig-anim sa Western Visayas at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao, tig-lima ang Zamboanga Peninsula at Davao Region, at isa sa Northern Mindanao.

Mayroon ding na-detect na 13 kaso ng Omicron BA.4 subvariant at isang BA.2.12.1 subvariant.