Just In

Calendar

July 2026
M T W T F S S
 12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
2728293031  
Vergeiri

5M target mabakunahan sa special vaccination campaign

440 Views

TARGET ng Department of Health (DOH) na makapagbakuna ng 5 milyong indibidwal sa isasagawang special vaccination campaign laban sa COVID-19 sa Setyembre 26 hanggang 30.

Ayon kay DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire pangunahing target sa isasagawang bakunahan ang mga rehiyon kung saan mababa pa ang vaccine coverage.

Sinabi ni Vergeire na nais ng DOH na mapataas ang bilang ng mga nababakunahan ng booster shot.

Layunin din ng special vaccination campaign na mapaabot sa 23 milyon ang mga nabakunahan sa loob ng 100 araw ng Marcos administration.

Sa kasalukuyan ay 72.6 milyong indibidwal na ang fully vaccinated laban sa COVID-19 at 18.2 milyon pa lamang sa mga ito ang nakatanggap na ang first booster shot at 2.3 milyon ang naka-dalawang booster shot na.