Calendar
Ordanes: Poll spending ban di saklaw senior citizens’ pension
“HINDI sakop ng election spending ban ang social pension ng senior citizens.”
Ito ang nilinaw ni Senior Citizen Partylist Rep. Rodolfo “Ompong” Ordanes kasabay ng pagpapasalamat sa Commission on Elections (Comelec) sa naging desisyon nito.
Malaking bagay na naiintindihan ng Comelec ang sitwasyon ng mga mahihirap na senior citizen, ayon sa pulitiko.
Ayon sa mambabatas, nakasanayan na ng mga benepisyaryo na tuwing Abril at Mayo nakukuha na nila ang kanilang P3,000 o P4,000 pensyon.
“Ang social pension bahagi na ng tinatawag na survival budget ng seniors para sa kanilang mga gamot at pagkain at pambayad sa kuryente at tubig,” sabi ni Ordanes.
Ang social pension para sa mga senior citizen na walang pensyon mula sa Government Service Insurance System (GSIS) o Social Security System (SSS).