Millar

OWWA Region 3 nagsagawa ng seminar para turuan staff, personnel ng ahensiya sa pagggawa ng brewed coffee

Mar Rodriguez Jun 3, 2023
148 Views

Millar1Millar2Millar3NAGSAGAWA ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Region 3 sa ilalim ng pamumuno ni Regional Director Atty. Falconi “Ace” V. Millar ng isang ocular at immersion sa Kape Natividad para turuan ang mga staff at personal ng nasabing ahensiya tungkol sa pagsasalang ng “brewed coffee”.

Nauna ng ipinahayag ni Atty. Millar sa panayam ng People’s Taliba na ang pagsisilbi nila ng libreng “brewed coffee” para sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs) na nagtutungo sa tanggapan ng OWWA Region 3 sa Pampanga ang siyang pangunahing ‘attraction” ng nasabing ahensiya.

Ipinaliwanag ni Millar na ang pagbibigay nila ng libreng brewed coffee para sa mga OFWs at kanilang pamilya ang pangunahing proyekto ng OWWA Region 3 upang maiparamdam sa mga OFWs na “welcome” umano sila sa kanilang tanggapan at pagbibigay narin nila ng natatanging serbisyo.

Sinabi pa ng OWWA Regional Director na ang sumailalim ang kanilang mga staff at personal sa isang discussion at course familiarization para turuan sila kung papaano gumawa ng brewed coffee na gagamitin naman nila sa kanilang tanggan sa OWWA Region 3 para pagbibigay nila ng de-kalidad na serbisyo para sa mga OFWs.

Nabatid pa kay Atty. Millar na itinatag o itinayo nila ang Migrant’s Brew para sa mga OFWs at kanilang pamilya na naglalayong maibigay ng OWWA Region 3 ang isang natatanging serbisyo para sa mga OFWs.

“The OWWA Region 3 who will be manning the Migrant’s Brew attended a basic orientation on Barista 101 which included a simple discussion and familiarization of the course. The Migrant’s Brew was created for the OFWs and their families who visits OWWA Region 3,” ayon kay Atty. Millar.