Calendar
![Suspek](https://peoplestaliba.com/wp-content/uploads/2025/02/Suspek-5.jpg)
P.5M ninenok; driver-messenger suspek
PALAISIPAN sa mga pulis at isang company executive kung ninenok ng driver-messnger ang P500,000 na koleksyon ng toy company sa Taytay, Rizal noong nakaraang linggo.
Natukoy ang suspek na si alyas Elway, 37, drayber-mensahero ng APT Entertainment, ayon sa police report.
Ayon sa report ni Edward Lacbayan Aquino, 54, head ng Asset Management ng APT Entertainment, sa mga pulis noong Pebrero 12 bandang alas-10:00 ng umaga napansin niya na tila may nawawalang koleksyon ng mga laruan sa kanyang istante.
Nirepaso ni Aquino ang CCTV footage at natuklasan na noong Pebrero 9 bandang alas-10:00 ng gabi pumasok ang suspek na si Elway sa storage room at tinangay ang 136 piraso ng koleksyon ng laruan na nagkakahalaga ng P500,000.
Inihahanda na ang mga dokumento para sa pagsasampa ng kasong qualified theft laban sa suspek sa tanggapan ng Piskalya ng Taytay, Rizal.