MPD

P.9M shabu nakuha sa 3 bebot sa Tondo

408 Views

Shabu na nagkakahalaga ng P986,000 ang nakumpiska sa tatlong babae na nalambat ng mga operatiba ng Manila Police District (MPD) sa isang buy-bust 9:05 a.m. Biyernes sa Tondo, Manila.

Nakilala ang mga suspek na sina Judy Ann Barrozo, alyas ” Ning” 24 , dalaga, ng Old Antipolo St. sakop ng Brgy. 228 Zone 21; Vannie Rabia, 33, dalaga, ng Old Antipolo St. Brgy. 217, Zone 20 at

Jennilyn Betito, 33 , dalaga ng Vargas St., Brgy. 216 Zone 20.

Base sa ulat ni P/ Lt.Col. Robert Domingo, MPD- Jose Abad Santos Police Station 7 commander, ang buy-bust ay ikinasa sa panulukan ng Jose Abad Santos Avenue at Morong St.sa Tondo

Pinangunahan ni P/ Joan Dorado , hepe ng Station Drug Enforcement Unit ang pagdakip sa tatlo kung saan sina Barrozo at Rabia ang target ng operasyon.

Narecover ang 29 plastic sachets ng hinihinalang shabu na may halagang P986,000 ang nakumpiska sa mga suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Article ll ng Republic Act 9165 (Comprehensive Drug Act of 2002.)