Shabu

P1.3M shabu nakuha sa ‘miyembro’ ng MNLF, lola, 18 anyos sa Taguig

Edd Reyes Nov 2, 2025
480 Views

TIMBOG ang aktibo umanong miyembro ng Moro National Liberation Front (MNLF) sa isinagawang buy-bust operation ng mga awtoridad Sabado ng gabi sa Taguig City.

Sa tinanggap na ulat ni Southern Police District (SPD),Director P/BGen. Randy Arceo, dinakip ang suspek na si alyas “Ice,” 43, miyembro ng MNLF at mga kasama niyang sina alyas “Justine,” 18, at isang lola na si alyas “Bing,” 66, pawang residente ng Taguig City.

Natimbog ng mga tauhan ni P/Major Cecilio Tomas Jr, hepe ng District Drug Enforcement Unit (DDEU), SPD, at Sub-Station 9 ng Taguig City Police Station ang mga suspek bago mag-hatinggabi sa Brgy. New Lower Bicutan sa ikinasang buy bust operation.

Nasamsam sa mga suspek ang kabuuang 200 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng ₱1,360,000, markadong salapi na ginamit sa buy bust at mobile phone na gamit nila sa illegal na transaksiyon.

Mahaharap ang mga suspect sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 sa Taguig City Prosecutor’s Office.