BOC

P1.95M smuggled sibuyas nasamsam sa Tondo

178 Views

NASAMSAM ng mga tauhan ng gobyerno ang P1.95 milyong halaga ng putting sibuyas na iligal umanong ipinasok sa bansa.

Pinasok ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) at Philippine National Police (PNP) ang isang storage facility sa DNR Building sa kahabaan ng Sto. Cristo Street, kung saan nakatago ang 1,147 sako ng sibuyas.

Wala umanong permit ang mga sibuyas na kailangan upang legal na maipasok sa bansa.