2 magnanakaw ng kable kalaboso

126 Views

ARESTADO ang dalawang lalaki sa Quezon City matapos umanong magnakaw ng kable ng telepono sa Taytay, Rizal.

Kinilala ni PLTCOL Reynaldo Vitto, Commander ng Police Station 9, sina Rosendo Fallorina, 54-anyos, at Christian Moreno, 25-taong gulang, at kapwa residente ng Brgy. Chrysanthemum, San Pedro Laguna.

Nakatanggap umano ng flash alarm ang PS 9 kaugnay ng mga nagnakaw ng kable ng PLDT sa E. Rodriguez Avenue, Taytay Rizal alas-2:30 ng umaga noong Disyembre 3.

Nagsagawa umano ang checkpoint sa kanto ng Katipunan Avenue at Pansol Avenue ang mga tauhan ng PS 9 at nakita nila ang berde na motorsiklo at isang closed van na itinuturong nagnakaw ng kable.

Hindi umano huminto ang mga suspek kaya hinabol ang mga ito ng mga pulis at nakorner sa Petawealth Gasoline Station sa kanto ng NIA Road at Edsa, Brgy. East Traingle.

Narekober umano sa mga suspek ang 175 metrong FSF Underground Copper Cable na nagkakahalaga ng P590,460.