PDEA

P149M halaga ng shabu nakumpiska

Alfred Dalizon Nov 18, 2022
178 Views

NAKUMPISKA ng mga tauhan ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno ang 22 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P149.6 milyon sa isang operasyon sa Ayala-Alabang Village, Muntinlupa City ngayong Biyernes, Nobyembre 18.

Nag-ugat ang operasyon sa impormasyon na natanggap ng mga otoridad kaugnay ng isang dayuhan na nag-aangkat umano ng shabu at cocaine mula sa Australia.

Nagsagawa umanong serye ng case conference ang Bureau of Customs (BOC) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na nagresulta sa pagkakasamsam ng mga iligal na droga.

Nakakuha rin umano ng mga Controlled Precursors and Essential Chemicals at mga kagamitan na ginagamit sa paggawa ng ipinagbabawal na gamot.