3 akyat-bahay nasakote

102 Views

KALABOSO ang tatlo umanong akyat-bahay sa isinagawang operasyon ng pulisya sa Quezon City kahapon, Nobyembre 17.

Kinilala ang mga nahuli na sina Loveje Blasico Malinao, 24-anyos, JV Undiana Malsi, 18-taong gulang, at Laurence De Leon Razon, 31, mga residente ng Brgy. Holy Spirit, Quezon City.

Nasa trabaho umano ang biktimang si Manuela Seguera Moreño ng sahihan ng kanyang anak na pinasok ng magnanakaw ang kanilang bahay.

Sinira umano ng mga suspek ang lock sa pintuan ng kanyang bahay. Nawawala umano ang tatlong cellphone at pera na nagkakahalaga ng P1,200.

Humingi ng tulong sa barangay ang biktima at kalaunan sa pulisya. Mayroon umanong nakapagturo sa mga suspek na nagtago sa Purok 16 Unit 5 Brgy. Commonwealth, Quezon City.

Naaresto ang mga suspek at narekober umano sa kanila ang isa sa mga cellphone.