Acuzar

P15.82B cash loan naibigay ng Pag-IBIG Fund

Neil Louis Tayo Jun 17, 2023
267 Views

UMABOT sa P15.82 bilyong cash loan ang naibigay ng Pag-IBIG Fund sa unang apat na buwan ng 2023.

Ito ay mas mataas ng 5 porsyento kumpara sa P15.10 bilyong naipautang nito sa kaparehong panahon noong 2022.

Ang naturang halaga ng Multi-Purpose Loans ay napunta umano sa 728,653 miyembro nito.

“We at Pag-IBIG Fund exert all efforts in providing our members with assistance on their financial needs. We are happy to note that through our Pag-IBIG Multi-Purpose Loan, we were able to aid more than 700 thousand Filipino workers gain added funds to tend to their needs. All our efforts are in line with the call of President Ferdinand Marcos, Jr. to provide the best service to the Filipino people,” sabi ni Secretary Jose Rizalino L. Acuzar, ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) na siya ring lider ng 11-member Pag-IBIG Fund Board of Trustees.

Ang MPL ay ibinibigay sa mga kuwalipikadong member ng Pag-IBIG. Ang halaga nito ay hanggang 80 porsyento ng kanilang kabuuang Pag-IBIG Regular Savings.