P150 perang papel hindi totoo

131 Views

PINASINUNGALINGAN ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na naglabas ito ng perang papel na nagkakahalaga ng P150 at mayroong larawan ni Dr. Jose Rizal.

Kumakalat ang litrato ng umano’y bagong pera.

“The public is advised to always check the legitimacy of information found on social media and other channels regarding Philippine banknotes and coins,” sabi ng BSP.

Nanawagan din ang BSP sa publiko na ireport sa kanila ang mga taong gumagawa ng pekeng pera.