Vargas

P1B US investment malaki pakinabang sa ekonomiya ng PH — Vargas

Mar Rodriguez Mar 13, 2024
97 Views

POSITIBO si House Assistant Majority Leader at Quezon City 5th Dist. Cong. Patrick Michael “PM” D. Vargas na malaki ang magiging pakinabang sa ekonomiya ng bansa ang P1 billion “commitment investments” mula sa United States (US) presidential trade and investment mission.

Binigyang diin ni Vargas na ang paglalagak ng puhunan sa Pilipinas ng iba’t-ibang American companies ay isang positibong indikasyon na malaki ang kompiyansa ng mga nasabing kompanya kay President Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr. bilang resulta ng kaniyang foreign trips.

Sinabi ni Vargas na nakakuha na ng “momentum” ang mga pagsisikap ni Pangulong Marcos, Jr. sakaling tuluyan ng buksan ng Pilipinas ang pinto nito para sa mas maraming foreign investments partikular na kung matuloy ang pag-aamiyenda sa “restrictive economic provision” ng Saligang Batas.

Naniniwala si Vargas na malaki ang tiwala ng Estados Unidos (US) (itinuturing na isa sa “leading economies” sa buong mundo) sa Pilipinas na pinatunayan naman ng ginawang pagkilala at respeto ng international community sa ipinapalamas na pagsisikap ng Pangulong Marcos, Jr.

Ayon kay Vargas, bahagi na ng plano ng Pangulo na pagtibayin ang relasyon ng Pilipinas sa mga kaalyado nitong bansa kabilang na ang US para mas lalo pang paigtingin ang tinatawag na “economic ties” ng bansa sa pamamagitan ng pagpasok ng maraming investments o pamumuhunan.

“Napakaganda ng development na ito. Kasi ang isa sa mga pinaka-malaki at successful na ekonomiya sa buong mundo gaya ng US ay nagtitiwala sa Pilipinas. It just shows that the international community respects and gives trust to the efforts of President Bongbong Marcos,” sabi ni Vargas.

Sinabi pa ng QC solon na kabilang sa mga “areas” na mabubuhusan ng billion-dollar investment ay ang larangan ng educational opportunites sa pamamaraan ng digital upskilling, artificial intelligence (AI) at energy sector.