Obrero tinodas; 2 suspek laglag
May 9, 2025
MMDA nagbukas ng bagong MBRS
May 9, 2025
Napolcom magbibigay ng PESE certificates
May 9, 2025
Calendar

Metro
P3.4M shabu nasamsam sa 4 drug suspek
Jon-jon Reyes
Mar 14, 2025
84
Views
TIMBOG sa mga operatiba ng Station Drug Enforecement Unit ng MPD Sampaloc Police Station 4 ang apat na drug suspek at nasabat sa kanila ang 500 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P3.4 milyon sa Makiling St. malapit sa kanto ng Brgy. 497, Zone 49, Sampaloc, Manila noong Miyerkules.
Nakilala ang mga suspek na sina Mark Anthony alyas Tisoy, 32; alyas Moy-Moy, 29; alyas John Mark, 24; at alyas Loloy, 25.
Ayon sa report ni Police Lieutenant Colonel Brillante Billaoac, commander ng Sampaloc Police Station 4, bandang alas-9:10 ng gabi nahuli ang 4 sa pamumuno ni Police Maj. Gil Lobaton.
Nasabat ng mga operatiba ang 500 gramo ng shabu, duffle bag at Honda PCX na gamit ng isa sa mga suspek.
MMDA nagbukas ng bagong MBRS
May 9, 2025