Calendar
P42.33 milyon ayuda ipanamahagi ni PBBM sa mga biktima ng bagyo sa Cavite
AABOT sa P42.33 milyon pinansyal na ayuda ang ipinamahagi ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa may 4,233 na mga magsasaka at mangingisda na naapektuhan ng makagskunod na bagyong Kristine at Leon sa Tagaytay City, Cavite.
Sa 4,233 mga benepisyarto, 18 dito ang mula sa munisipalidad ng Kawit; lima sa Noveleta; 127 mula sa Bacoor; 37 mula sa Imus; 119 mula sa Dasmarinas; 33 mula sa Carmona; 488 mula sa Silang; 27 mula sa General Mariano Alvarez; 331 mula sa General Trias at 138 mula sa Amadeo.
Maliban dito, namahaagi din si Pangulong Marcos ng pinansyal na tulong sa may 172 benepisyaryo mula sa Munisipalidad ng Indang; 119 mula sa Tanza; 101 mula sa Trece Martires; 63 mula sa Tagaytay;189 mula sa Alfonso; 839. mula sa General Emilio Aguinaldo; 304 mula sa Maragondon; 577 mula sa Magallanes at 165 mula sa Mendez.
Kabuuang 327 mula sa Munisipalidad ng Naic at 53 mula sa Ternate ang tumanggap ng tulong at bawat isa benepisyaryo ay tumanggap ng tig P10,000 cash.
Ayon kay Pangulong Marcos ang pagsusumikap ng pamahalaan para maibalik sa normal ang kalagayan ng mga Caviteño at mga karatig na lalawigan sa Calabarzon.
Tiniyak ni Pangulong Marcos na tutulungan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Department of Labor and Employment (DOLE) ang mga biktima ng bagyo na makabangon muli.
Sa pinakahuling datos, mahigit sa 66,700 pamilya o mahigit sa 261 indibidwal sa Cavite ang naiulat na naapektuhan ng mga bagyong Kristine at Leon.