P5.1M halaga ng shabu itinago sa laruang tambol

Jun I Legaspi Jun 4, 2022
255 Views

TINATAYANG P5.1 milyong halaga ng shabu na itinago sa laruang tambol ang tinangkang ipuslit sa bansa.

Nagsagawa ng anti-drug interdiction operation ang Bureau of Customs NAIA, Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), at NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group at nahuli ang consignee ng package at ang kasama nito alas-5:45 ng hapon noong Hunyo 2 sa Central Mail Exchange Center sa Pasay City.

Ang package ay idineklarang “Bateria, Musical, Dulces” o isang set ng laruang tambol. Galing ito sa Mexico at dumating sa bansa noong Mayo 30.

Nakita sa x-ray scanning ang kahina-hinalang laman ng mga drum kaya binuksan ito at nadiskubre ang lamang shabu na tumitimbang ng 750 gramo.