Ayuda

P5.3M ayuda ipinamigay sa Batangas

56 Views

NAGBIGAYAN ng P5.3 milyon na halaga ng Financial Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) noong Disyembre 24 sa Batangas na sinaksihan ni Gov. Hermilando Mandanas at kabiyak na si Angelica Chua-Mandanas.

Naisakatuparan ang ayuda sa tulong ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) at Provincial Treasurer’s Office (PTO) sa Regina R. Mandanas Memorial DREAM Zone, Capitol Site, Batangas City.

Umabot sa 857 katao ang natulungan ng programa kung saan 645 ang tumanggap ng medical assistance, 201 ang pinagkalooban ng burial assistance, 9 para sa Overseas Filipino Workers assistance at 1 sa shelter assistance at daily sustenance.