Just In

Calendar

May 2025
M T W T F S S
 1234
567891011
12131415161718
19202122232425
262728293031  
Pacman

Pacquiao isusulong P200 arawang sahod ng mga manggagawa

Mar Rodriguez May 2, 2025
18 Views

Pacman1Pacman2BILANG dating manggagawa na nagmula sa kahirapan bago pa man siya sumikat sa larangan ng Boksing, tiniyak ni Alyansa para sa Bagong Pilipinas (APBP) senatorial candidate Manny “Pacman” Pacquiao na isusulong nito ang isang pambansang umento sa sahod para sa mga kapwa nito manggagawa.

Ayon kay Pacquiao, sinusuportahan nito ang ipinaglalaban ng mga manggagawa. Kaya isinusulong nito ang pambansang umento sa sahod para sa mga manggagawa sa pribadong sektor na nagkakahalaga ng P200 kada araw (arawang sahod).

Binigyang diin ng dating senador na ito ang kaniyang pagsisikapang gampanan para matulungan ang mga pamilyang Pilipino sa gitna ng patuloy na pagtaas ng gastusin sa pang-araw araw.

Inilatag din ni Pacquiao sa kaniyang pangangampanya sa Tacloban City ang kaniyang legislative agenda na nakatuon sa makatarungang reporma sa pasahod at alternatibong modelo ng layuning maghatid ng tunay at pangmatagalang pagbabago para sa mga ordinaryong Pilipino.

Paliwanag pa ni Pacquiao na ang kaniyang panukalang P200 umento o dagdag sa sahod ay unang hakbang pa lamang para sa isang mas malawak na plataporma para tuldukan ang agwat sa pagitan ng paglago ng ekonomiya at kalidad ng buhay ng mga manggagawa.

“Hindi puwedeng laging sagad ang manggagawa habang lumalaki ang kita ng malalaking kompanya. Ang tunay na malasakit ay nakikita sa sahod. Hindi lang sa salita,” sabi ni Pacquiao.