Sen. Pacquiao

Pacquiao tiniyak pagtataguyod ng kooperatiba

Mar Rodriguez May 3, 2025
55 Views

Sen. Pacquiao
TINIYAK ni Alyansa para sa Bagong Pilipinas (APBP) senatorial candidate Manny “Pacman” Pacquiao na isusulong nito ang pagtataguyod ng kooperatibismo sa buong bansa para matulungan ang napakaraming Pilipino na magkaroon ng kanilang sariling kabuhayan kasunod nito ang pag-unlad ng komunidad sa mga lalawigan.

Ito ang ipinahayag ng dating senador matapos nitong dayuhin ang Tacloban City, Leyte bilang bahagi ng kaniyang campaign sortie at ipanawagan sa libo-libong mamamayan ng lalawigan ang pag-unlad sa pamamagitan ng kooperatibismo.

Ang panawagan ni Pacquiao ay ginawa nito habang kausap niya ang mga miyembro ng Guardians Brotherhood sa nasabing lalawigan.

Sa harap ng mga kasapi ng Guardian, isang sibiko-militar na samahan na itinatag noong 1970, ipinahayag ni Pacquiao ang kaniyang inisyatiba na gawing puwersa para sa pang-ekonomiyang pag-unlad ang lakas ng kapatiran.

“Ang Guardians ay pinanday sa giyera. Pero ngayon, maaari mamuno sa laban para sa kapayapaan at kabuhayan,” ani Pacquiao.

Bilang isang Army Reservist sa ranggong Koronel, iminumungkahi ng APBP senatorial bet ang pambansang pagtatag ng mga Guardians Cooperarives para matulungan ang mga beteranong sundalo, reservists at mga dating militar na makapagtayo ng kanilang kabuhayan.

Pagbibigay diin ni Pacquiao na hindi limos ang kailangan ng mga sundalo na tinaguriang mga bayani. Sa halip, isang pagkakataon na siyang ibinibigay ng kooperatiba.

Winika ni Pacquiao na ito ang bagong laban para sa kabuhayan, hanap-buhay at kinabukasan ng pamilya ng mga kasapi ng Guardians.

“Hindi limos ang kailangan ng ating mga bayani kundi pagkakataon. At iyon ang ibinibigay ng kooperatiba. Ito ang bagong laban, laban para sa hanap-buhay laban para sa kinabukasan ng pamilya ng Guardians,” sabi pa nito.

To God be the Glory