TYPHOON CARINA RELIEF OPERATIONS — Si Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez, sa pakikipag-kooperasyon kay Tingog Partylist Reps. Yedda Marie K. Romualdez at Jude Acidre, Quezon City 2nd District Rep. Ralph Tulfo, Quezon City Mayor Joy Belmonte at miyembro ng City Council members ay nanguna sa pamimigay ng relief packs 2,000 katao na naapektuhan ng baha na dulot ng bagyong Carina sa Bagong Silangan New Evacuation Center sa Quezon City Huwebes ng hapon. Ayon kay Speaker Romualdez, bawat benepisyaryo ay makaatanggap ng P5,000 sa isang linggo sa ilalim ng Ayuda Para sa Kapos ang Kita Program (AKAP). Kuha ni VER NOVENO

Pag-alala sa Yolanda: Speaker Romualdez pinangunahan pagsaklolo sa mga biktima ng bagyong Carina

Mar Rodriguez Jul 26, 2024
91 Views

Speaker Romualdez Speaker Romualdez Speaker RomualdezPINANGUNAHAN ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez, sa tulong ng Tingog Partylist, ang pamimigay ng relief packs at financial aid sa libu-libong evacuees sa iba’t ibang bahagi ng Metro Manila na naapektuhan ng pagbaha dulot ng Bagyong Carina at Hanging Habagat.

Sinabi ni Speaker Romualdez na mabilis ang kanilang ginawang pamamahagi ng tulong dala ang kanilang karanasan sa Bagyong Yolanda na sumira sa mga dinaanan nitong lugar mahigit 10 taon na ang nakararaan.

“Personal naming karanasan matapos ang Bagyong Yolanda sa Leyte, mas maraming kailangang gawin ang gobyerno sa pagbalik ng mga evacuees sa kanilang mga bahay. Hindi lamang mga imprastruktura ang kailangan nating itayong muli. Kailangang maibalik ang tiwala ng ating mga kababayan sa kakayahan nilang makabangon muli,” ani Speaker Romualdez.

Nasa 7,000 pamilya o halos 30,000 indibidwal ang nabigyan ng relief pack na may lamang tatlong kilong bigas, mga de lata, kape, at iba pang bagay. Inasikaso rin ng tanggapan ni Speaker Romualdez ang pagbibigay ng tig-P5,000 cash aid sa mga biktima ng pagbaha sa ilalim ng Ayuda sa Kapos ang Kita Program (AKAP) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

“We have initiated the distribution of relief packs since yesterday to ensure that affected citizens receive the essential supplies they need during this challenging time. Malaki ang pinsalang dala ng Bagyong Carina kasabay ng Habagat. Kailangan ang tulong nating lahat para makabangon sa trahedyang ito,” sabi ni Speaker Romualdez na ang tinutukoy ay ang relief operation ng kanyang tanggapan at nina Tingog Reps. Yedda K. Romualdez at Jude Acidre.

“Mahalaga ang tulong ng bawat isa sa atin. Ngayon kailangan ang bayanihan. Bawat kamay na tutulong, malaking kontribusyon sa pagbangon. Ang aming pagsisikap ay bahagi ng mas malaking relief operations na isinasagawa ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr.,” sabi ng lider ng Kamara na mayroong mahigit 300 kinatawan.

Ayon kay Speaker Romualdez tinututukan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang sitwasyon sa mga apektadong lugar at tinitiyak nito na agad na makapaghahatid ng tulong sa mga biktima ng kalamidad.

Ang mga kongresista ng mga apektadong lugar ay tumutulong din umano.

“Nasa ground ang ating mga congressmen para sa disaster response. Regular silang nagpapadala ng report sa akin kung ano ang kailangang tulong ng kanilang mga constituents. Handa ang House of Representatives na tumulong hindi lamang sa disaster response kundi maging sa pagbangon ng mga komunidad,” sabi ng kinatawan ng unang distrito ng Leyte.

Ngayong araw, binisita ni Speaker Romualdez ang may 3,000 apektadong pamilya na nasa San Juan City Gym, at namahagi roon ng relief packs. Inasikaso rin ng tanggapan ni Speaker Romualdez ang pagpapalabas sa susunod na linggo ng tig-P5,000 cash assistance sa mga apektadong pamilya mula sa AKAP.

Sumunod na pinuntahan ni Speaker Romualdez ang Quezon City upang maghatid ng 2,000 relief pack sa mga biktima ng baha sa Bagong Silangan New Evacuation Center at sumunod sa Diosdado Macapagal Elementary School sa Barangay Tatalon kung saan siya naghatid ng 2,000 relief packs. Ang mga benepisyaryo ay makatatanggap din ng tig-P5,000 cash assistance mula sa AKAP sa susunod na lingoog.

Dumating din sa lugar ang Tingog Mobile Kitchen upang magbigay ng makakain.

“Each affected family will receive PHP 5,000 in financial assistance. This welfare program is a crucial component of our disaster response, aimed at helping families meet their immediate financial needs and recover from the impacts of the typhoon,” ani Speaker Romualdez.

“Ang AKAP ay bahagi ng mga programa ni Pangulong Marcos na pinapahalagahan ang lahat ng sektor ng lipunan, lalo na yung mga naging biktima ng kalamidad. By providing both immediate relief and financial aid, we aim to alleviate the suffering of our people and help them rebuild their lives,” dagdag pa nito.

Nagpasalamat si Speaker Romualdez sa mga opisyal ng iba’t ibang ahensya at mga lokal na pamahalaan at mga volunteer sa kanilang pagtulong upang maging matagumpay ang relief operation.

“Buhay na buhay ang bayanihan sa ating mga kababayan sa panahon ng sakuna at kalamidad. Maraming salamat po sa lahat ng patuloy na tumutulong sa ating pagsisikap na maghatid ng tulong sa mga biktima ng Typhoon Carina,” wika pa ni Speaker Romualdez.