Calendar

Pagbasura ng COMELEC sa vote-buying complaint ikinagalak ni Villar
IKINAGAGALAK ni House Deputy Speaker at Alyansa para sa Bagong Pilipinas (APBP) senatorial candidate Camille A. Villar ang ginawang pagbasura ng Commission on Elections (COMELEC) sa disqualification case na isinampa laban sa kaniya kaugnay sa akusasyon ng vote-buying laban dito.
Sa isang pahinang tugon na inisyu at nilagdaan ni Teofisto Elas, Jr., ang vice-chairperson ng Committee on Kontra Bigay, noong nakalipas na May 7, binigyang diin ng COMELEC na walang matibay at sapat na ebidensiyang iniharap sa nasabing komite patungkol sa alegasyon laban kay Villar.
“Upon evaluation of the evidence gathered. The undersigned deems the same insufficient to proceed to the filing of a complaint for election offense and or a petition for disqualification,” sabi ni Elnas kaugnay sa inilabas na desisyon ng COMELEC.
Ipinaliwanag pa ng Committee on Kontra Bigay na naipaliwanag namang mabuti ni Villar kasama na ang kaniyang mga legal counsel ang mga pangyayari o sirkumstansiya patungkol sa di-umano’y naganap na vote-buying.
“I thank the COMELEC for the timely issuance of this resolution. Junking yus complaint of vote-buying. I assure everyone that I am running on a clean platform., pursuing only my advocacies that aim to make lives better for the Filipinos,” paliwanag naman ni Villar.
To God be the Glory