Calendar

Pagkatapos dumalo sa BPSF, Frasco tutok ulit sa mga proyekto sa Cebu
๐ฃ๐๐๐๐๐ง๐๐ฃ๐ข๐ฆ ๐ฑ๐๐บ๐ฎ๐น๐ผ ๐ป๐ถ ๐๐ผ๐๐๐ฒ ๐๐ฒ๐ฝ๐๐๐ ๐ฆ๐ฝ๐ฒ๐ฎ๐ธ๐ฒ๐ฟ ๐ฎ๐ ๐๐ฒ๐ฏ๐ ๐ฑ๐๐ต ๐๐ถ๐๐. ๐๐ผ๐ป๐ด. ๐ฉ๐ถ๐ป๐ฐ๐ฒ๐ป๐ ๐๐ฟ๐ฎ๐ป๐ฐ๐ผ “๐๐๐ธ๐ฒ” ๐. ๐๐ฟ๐ฎ๐๐ฐ๐ผ ๐๐ฎ ๐ถ๐ฑ๐ถ๐ป๐ฎ๐ผ๐ ๐ป๐ฎ ๐๐ฎ๐ด๐ผ๐ป๐ด ๐ฃ๐ถ๐น๐ถ๐ฝ๐ถ๐ป๐ฎ๐ ๐ฆ๐ฒ๐ฟ๐ฏ๐ถ๐๐๐ผ ๐๐ฎ๐ถ๐ฟ (๐๐ฃ๐ฆ๐) ๐๐ฎ ๐ง๐ฎ๐ฐ๐น๐ผ๐ฏ๐ฎ๐ป, ๐๐ฒ๐๐๐ฒ, t๐ถ๐ป๐๐๐๐ธ๐ฎ๐ป ๐ป๐ฎ๐บ๐ฎ๐ป ๐ป๐ถ๐๐ผ ๐ฎ๐ป๐ด ๐ด๐ถ๐ป๐ฎ๐ป๐ฎ๐ฝ ๐ป๐ฎ “๐๐๐ฟ๐ป๐ผ๐๐ฒ๐ฟ” ๐ฐ๐ฒ๐ฟ๐ฒ๐บ๐ผ๐ป๐ ๐ป๐ด ๐ถ๐ฝ๐ถ๐ป๐ฎ๐๐ฎ๐๐ผ ๐ป๐ถ๐๐ฎ๐ป๐ด ๐ฏ๐ฎ๐ด๐ผ๐ป๐ด ๐ฐ๐ผ๐๐ฒ๐ฟ๐ฒ๐ฑ ๐ฐ๐ผ๐๐ฟ๐ ๐ฝ๐ฎ๐ฟ๐ฎ ๐๐ฎ ๐๐ฎ๐๐บ๐ผ๐ป ๐ก๐ฎ๐๐ถ๐ผ๐ป๐ฎ๐น ๐๐ถ๐ด๐ต ๐ฆ๐ฐ๐ต๐ผ๐ผ๐น.
Nabatid ng People’s Taliba na mahigpit ang schedule ng kongresista sapagkat matapos ang ginanap na BPSF Serbisyo Caravan sa balwarte ni House Speaker Martin G. Romualdez, nagtungo naman ito. sa Catmon, Cebu para sa turnover ng bago nitong proyekto.
Sabi ni Frasco, ang bago nitong proyekto ay ang ipinagawa nitong covered court para magamit ng mga mag-aaral ng Catmon National High School na nagkakahalaga ng P5 milyon.
Paliwanag ng kongresista, malaki aniya ang magiging pakinabang ng bagong covered court dahil maaari itong maggamit ng mga estudyante bilang lugar para pagdausan nila ng iba’t-ibang school activities, sports events at graduation ceremony.
Ayon kay Frasco, all out support siya o buo ang kaniyang suporta para sa iba’t-ibang pangangailangan ng mga mag-aaral gaya ng ipinatayo nitong covered court. Hindi lamang para maging venue ng kanilang mga achool activities kundi para magamit bilang pananggalang laban sa malakas na buhos ng ulan at matinding init.