Calendar

Pagmaniobra ng Tsina ng helicopter sa Tsina kinondena
MARIING kinondena ng mga senador ang kamakailan na mapanganib at walang ingat na maniobra ng isang helicopter ng People’s Liberation Army (PLA) Navy ng Tsina laban sa isang eroplano ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa himpapawid ng Scarborough Shoal.
Ayon kay Senate President Pro Tempore Jinggoy Ejercito Estrada, malinaw na paglabag sa mga pandaigdigang regulasyon sa kaligtasan ng abyasyon ang insidente.
“Our government should assert, in no uncertain terms, that this latest dangerous and reckless maneuvers carried out by China’s People’s Liberation Army (PLA) Navy helicopter against a light aircraft of the Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) is a clear violation of international aviation safety protocols,” ani Estrada.
“It is, without a doubt, an affront to our nation’s sovereignty. We should waste no time in filing a diplomatic protest to assert our rights and demand accountability from China for this latest provocation.”dagdag pa niya.
Samantala, iginiit ni Deputy Minority Leader Senator Risa Hontiveros na may karapatan ang Pilipinas na magsagawa ng overflight sa Exclusive Economic Zone (EEZ) nito, batay sa United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS).
“Hindi na nakuntento ang Tsina sa pambubully sa karagatan, pati sa himpapawid nambabanta narin,” aniya.
“Philippine patrol planes have the right of overflight in our Exclusive Economic Zone. This is in full accordance with the United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS). Tayo ang may karapatan, hindi ang Tsina,” dagdag ni Hontiveros.
Binanggit rin ng senadora na nilabag ng Tsina ang mga regulasyon ng International Civil Aviation Organization (ICAO), na nagbabawal sa paglipad ng aircraft ng isang estado sa teritoryo ng ibang bansa nang walang pahintulot. “Atin ang Scarborough Shoal, kaya tayo ang nasa tama,” aniya.
“Just as China violates the International Regulations for Preventing Collisions at Sea in our waters, she also violated ICAO safety standards in our skies,” pahayag ni Hontiveros.
Dagdag pa niya, “China is provoking trouble by routinely disrespecting international law. She is a signatory to UNCLOS and a contracting member of the ICAO, and yet she shamelessly ignores these international norms. Tahasang nanggugulo talaga ang Tsina.”
Nanawagan rin si Hontiveros sa international community, partikular sa mga kaalyado ng Pilipinas sa Indo-Pacific, na kumilos laban sa mga agresibong hakbang ng Beijing. “I call on our partners in the international community, especially our neighbors in the Indo-Pacific, to join the Philippines in pushing back. Our region cannot achieve genuine peace if China continues her aggression,” ani ng senadora.
Samantala, kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na magsusumite ang Pilipinas ng isang pormal na diplomatic protest laban sa Tsina kaugnay ng insidente. Patuloy rin umanong nakikipag-ugnayan ang pamahalaan sa mga kaalyadong bansa upang mapanatili ang kaayusan sa rehiyon.