BBM1

Pagpaparami sa bilihan ng bigas sa bansa suportado ni Cong. Duke Frasco

Mar Rodriguez Sep 15, 2024
57 Views

Romero๐—ž๐—œ๐—ก๐—”๐—ž๐—”๐—ง๐—œ๐—š๐—”๐—ก ๐—ป๐—ถ ๐—›๐—ผ๐˜‚๐˜€๐—ฒ ๐——๐—ฒ๐—ฝ๐˜‚๐˜๐˜† ๐—ฆ๐—ฝ๐—ฒ๐—ฎ๐—ธ๐—ฒ๐—ฟ ๐—ฎ๐˜ ๐—–๐—ฒ๐—ฏ๐˜‚ ๐Ÿฒ๐˜๐—ต ๐——๐—ถ๐˜€๐˜. ๐—ฅ๐—ฒ๐—ฝ. ๐—ฉ๐—ถ๐—ป๐—ฐ๐—ฒ๐—ป๐˜ ๐—™๐—ฟ๐—ฎ๐—ป๐—ฐ๐—ผ “๐——๐˜‚๐—ธ๐—ฒ” ๐——. ๐—™๐—ฟ๐—ฎ๐˜€๐—ฐ๐—ผ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐˜„๐—ฎ๐—ด๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ถ ๐—›๐—ผ๐˜‚๐˜€๐—ฒ ๐—ฆ๐—ฝ๐—ฒ๐—ฎ๐—ธ๐—ฒ๐—ฟ ๐—™๐—ฒ๐—ฟ๐—ฑ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—ป๐—ฑ ๐— ๐—ฎ๐—ฟ๐˜๐—ถ๐—ป ๐—š๐—ผ๐—บ๐—ฒ๐˜‡ ๐—ฅ๐—ผ๐—บ๐˜‚๐—ฎ๐—น๐—ฑ๐—ฒ๐˜‡ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—บ๐—ถ๐—ต๐—ถ๐—ป ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—ฏ๐—ถ๐—น๐—ถ๐—ต๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—ฏ๐—ถ๐—ด๐—ฎ๐˜€ ๐˜€๐—ฎ ๐—ถ๐—ฏ๐—ฎ’๐˜-๐—ถ๐—ฏ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฏ๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐—ด๐—ถ ๐—ป๐—ด ๐—ฏ๐—ฎ๐—ป๐˜€๐—ฎ ๐—ป๐—ฎ ๐—ถ๐˜€๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ป๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ๐—ธ๐—ฎ๐—ฏ๐—ถ๐˜€๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—ฎ๐—ป ๐˜‚๐—ฝ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ธ๐—ฎ๐˜€๐—ถ๐—ป ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐˜€๐—ฒ๐—ด๐˜‚๐—ฟ๐—ถ๐—ฑ๐—ฎ๐—ฑ ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด๐—ธ๐—ฎ๐—ถ๐—ป ๐—ฎ๐˜ ๐—บ๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฟ๐—ฒ๐˜€๐˜†๐—ผ ๐—ป๐—ด ๐—ฏ๐—ถ๐—ด๐—ฎ๐˜€.

Kasabay nito, suportado din ng House Deputy Speaker ang inilunsad Bagong Bayaning Magsasaka Rice Program (BBM-RP) sa pamamagitan ng binuong kolaborasyon sa pagitan ng National Irrigation Authority (NIA) at mga kasapi ng irrigation association.

Sabi ni Frasco na optimistiko siya o positibo ang kaniyang pananaw patungkol sa pinanday na kolaborasyon sapagkat magre-resulta ito sa pagkakaroon ng murang bigas na puwedeng mabili ng mga mahihirap na mamamayang Pilipino lalo na ang mga bulnerableng sektor.

Paliwanag pa ni Frasco na malaki din ang maitutulong ng programang PBBM-RP para tiyakin na walang Pilipino ang magugutom kahit na ang mga mamamayan na nasa malayo at liblib na lugar sa Pilipinas dahil maaari na silang makabili ng murang bigas dahil sa mababang presyo nito.

Pinapurihan din ni Frasco ang Department of Agriculture (DA) matapos nitong tugunan ang panawagan sa kanila na lalo pang paramihin ang mga Kadiwa Centers sa iba’t-ibang lugar upang mas maraming mamamayan ang makabili at makinabang ng murang bigas na puwede nilang mabili ng P29.00 kada kilo.

Samantala, nagpaabot din ng taos pusong pagbati sina Frasco at 1-PACMAN Party List Rep. Michael “Mikee” L. Romero, Ph.D., para sa nakalipas na 67th kaarawan ni President Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr. kasunod ng kanilang pagbibigay puri sa paglulunsad ng “Handog ng Pangulo” na naglalayong mapagkalooban ng cash assistance ang mga mahihirap na Pilipino.

Ayon kay Romero, chairman ng House Committee on Poverty Alleviation. Ipinapakita lamang ng Pangulong Marcos, Jr. sa inilunsad nitong programa na seryoso at determinado ang pamahalaan na maibsan ang nararamdamang kahirapan makaraang makinabang ang nasa 287,000 benepisyaryo mula sa iba’t-ibang bahagi ng bansa.