Calendar
Pagpapauwi sa 13 surrogate nanay mula Cambodia, tinatrabaho na ng PBBM admin
PINAGSUSUMIKAPAN ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na maiuwi sa bansa ang 13 Pinay na surrogate moms sa Cambodia.
Ayon sa pahayag ng Presidential Communications Office (PCO), sinabi ni Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo na ginagawa ng pamahalaan ang lahat ng paraan para makauwi sa Pilipinas ang 13 Filipina.
“This is a whole-of-government approach and many agencies are involved in the effort. The Philippine Embassy in Phnom Penh continues to coordinate with Cambodian authorities on the matter,” ani Manalo.
Convicted ang 13 surrogate women sa kasong human trafficking sa Cambodia matapos mapatunayan na ibinibenta ang dinadalang sanggol sa pamamagitan ng surrogacy.
Apat na taon na pagkabilanggo ang naging hatol ng korte.