Calendar

Pagpasa ng Kamara sa anti-POGO bill pinapurihan ni Rep. Bro. Eddie
PINAPURIHAN ni Citizen’s Battle Against Corruption (CIBAC) Party List Representative Eduardo “Bro. Eddie” C. Villanueva ang pagkakapasa sa third and final reading ng House Bill No. 10987 – ang panukalang batas na nagpapatigil at pag-ban sa operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) sa Pilipinas.
Pagbibigay diin ni Villanueva, founder ng Jesus Is Lord (JIL), na ang malawak at talamak na operasyon ng POGO sa ating bansa ang nagsilbing “breeding ground” upang magsulputan na parang mga kabute ang iba’t-ibang uri ng kriminalidad.
Sinabi ng kongresista na sapul ng magsimulang mag-operate ang POGO sa Pilipinas. Dito na rin nag-umpisang lumaganap ang kriminalidad kabilang na dito ang corruption, tax evasion, money laundering, human trafficking, prostitution, drug trafficking at iba pa.
“Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) have become breeding grounds for criminality, corruption, tax evasion, money laundering, human trafficking, moral decay and national security risks. The Filipino people has already suffered a lot that at the grip of an industry built on greed and exploitations,” wika nito.
Paliwanag pa ni Villanueva na isa sa mga principal author ng House Bill No. 10987 na ang isinulong na panukala ay para tuluyan ng maipagbawal ang operasyon ng POGO sa Pilipinas bunsod ng malaking banta na naidudulot sa seguridad ng ating bansa.
This bill will permanently prohibit offshore gaming operations in the country. This legislative ban will ensure that POGOs will not simply rebrand and creep in again once the hype against it has faded. It’s time to stamp out this evil from this country,” sabi pa ni Villanueva.
Sa ilalim ng panukala, pinapawalang bisa din ang mga lisensiyang inisyu para makapag-operate ang POGO sa bansa. Kasunod nito ang pag-ban sa lahat ng establishments o gaming hubs at laboratories. “It imposes escalating penalties for violators and mandates the confiscation of assets and and proceeds derived from illegal offshore gaming,” dagdag pa nito.