Calendar
Pagpasa ng motorcycle taxi bill mapadadali sa pagbibigay prayoridad ni BBM – Gutierrez
IKINALUGOD ng isa sa mga may-akda ng panukala sa gawing legal ang operasyon ng motorcycle taxi ang pahayag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. na bigyang prayoridad ang panukala.
Pinuri rin ni 1-Rider partylist Rep. Rodge Gutierrez ang naging pahayag ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez na bibigyan ng prayoridad ng Kamara na maisabatas ang panukala.
“With this prioritization by no less than our President, and Speaker Ferdinand Martin Romualdez, we are hopeful, I think, sometime in the next few weeks, we’ll already be having our fourth technical working group meeting perhaps,” saad ni Gutierrez sa isang pulong balitaan.
Kasama ni Gutierrez bilang may-akda ng House Bill (HB) No. 3412 si 1-Rider partylist Rep. Bonficio Bosita
“Hopefully in the next few months the House version would be done. And we have good expectation on this that even the DOTr-TWG will come up with results,” sabi ng Assistant Minority Leader na nagsabi rin na wala pang natatapos na resolusyon ang TWG matapos ang tatlong pagpupulong.
“Definitely, I think, if the priority is granted to this bill, hopefully before SONA (state of the nation address) this bill be done, at the very least I would say,” wika ni Gutierrez. “That’s based on just our assumption – just to be clear this is our personal assumption.”
“Definitely, this has already been fast-tracked given that prioritization by the President and the Speaker,” paliwanag pa niya.
Matatandaan na sinabi ni Speaker Romualdez sa mga kasamahan nito sa Kamara ang direktiba ni Pangulong Marcos na bilisan ang pagpasa ng panukala na magbibigay ng dagdag na opsyon sa mga pasahero.
“This legislative move is in direct response to President Marcos’ advocacy for increased transportation options for the Filipino people, as demonstrated by his support for the legalization of motorcycle taxis and the easing of TNVS regulations,” saad ng Speaker.
Ang panukala nina Bosita at Gutierrez ay layong gawing legal ang pagiging pampublikong transportasyon ng motorsiklo at ayusin ang regulasyon sa transportation network vehicle service.
Ayon kay Romualdez ang posisyon ng Pangulo ay kasunod na rin ng naging pakikipagpulong nito sa mga opisyal ng Grab Holdings Inc. sa Malacañang, at pagbibigay diin sa pangangailangan ng accessible at maraming pamamaraan ng pagbiyahe.
“The maintenance of peace and order, the protection of life, liberty, and property, and the promotion of the general welfare are foundational to our democracy. It’s imperative to adapt our laws to the evolving transportation landscape to ensure the well-being and convenience of our citizens,” aniya.