Hataman

Pagpatay sa ex-Lamitan City mayor kinondena ng kongresista

Mar Rodriguez Jul 25, 2022
212 Views

MARIING kinondena ng isang Mindanao congressman ang walang habas at madugong pagpatay kay dating Lamitan City Mayor Rose Furingay kasamaang bodyguard nito na naganap sa loob mismo ng Ateneo de Manila University sa Quezon City.

Iginigiit ni Basilan Rep. Mujiv Hataman sa mga awtoridad na kailangang papanagutin ang mga taong nasa likod ng pagpaslang kay Furingay at sa bodyguard nito.

Sinabi din ni Hataman na nadamay sa nangyaring pamamaril ang anak ni Furingay habang dumadalo ang dating Mayor sa graduation sa Ateneo de de Manila noong nakaraang Linggo.

“I urge the authorities to prosecute the perpetrators of this dastardly crime to the full extent of the law,” sabi ni Hataman.

Kaugnay nito, hinihiling naman ni Quezon City Mayor Josefina “Joy” Belmonte sa Quezon City Police District (QCPD) na gawin nitong puspusanang kanilang isinasagawang imbestigasyon hinggil sa nangyaring insidente para mapapanagot ang mga salarin sa krimen.

“Nagpahayag kami ng taos pusong pakikidalamhati sa mga biktima lalo nasa kanilang pamilya. Mariin po naming kinokondina ang insidente dahilhindi namin kinukunsinto ang anumang karahasan at kawalangkatarungan lalo na dito sa Lungsod Quezon,” ayon kay Belmonte.