Valeriano

Pagsasailalim sa mag-amang Duterte sa imbestigasyon tungkol sa pagtatago ni Quiboloy kinatigan ni Valeriano

Mar Rodriguez Sep 11, 2024
86 Views

๐—ž๐—œ๐—ก๐—”๐—ž๐—”๐—ง๐—œ๐—š๐—”๐—ก ๐—ป๐—ถ ๐— ๐—ฎ๐—ป๐—ถ๐—น๐—ฎ ๐Ÿฎ๐—ป๐—ฑ ๐——๐—ถ๐˜€๐˜. ๐—ฅ๐—ฒ๐—ฝ. ๐—ฅ๐—ผ๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ฑ๐—ผ “๐—–๐—ฅ๐—ฉ” ๐— . ๐—ฉ๐—ฎ๐—น๐—ฒ๐—ฟ๐—ถ๐—ฎ๐—ป๐—ผ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ป๐—ฎ๐—ด๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ด ๐—ป๐—ด ๐—ธ๐—ฎ๐—ฝ๐˜„๐—ฎ ๐—ป๐—ถ๐˜๐—ผ ๐—ธ๐—ผ๐—ป๐—ด๐—ฟ๐—ฒ๐˜€๐—ถ๐˜€๐˜๐—ฎ ๐—ป๐—ฎ ๐—ฑ๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ๐˜ ๐—ถ๐˜€๐—ฎ๐—ถ๐—น๐—ฎ๐—น๐—ถ๐—บ ๐˜€๐—ฎ ๐—บ๐—ฎ๐˜€๐˜‚๐˜€๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ถ๐—บ๐—ฏ๐—ฒ๐˜€๐˜๐—ถ๐—ด๐—ฎ๐˜€๐˜†๐—ผ๐—ป ๐˜€๐—ถ๐—ป๐—ฎ ๐—ฑ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐˜‚๐—น๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—ฅ๐—ผ๐—ฑ๐—ฟ๐—ถ๐—ด๐—ผ ๐—ฅ๐—ผ๐—ฎ ๐——๐˜‚๐˜๐—ฒ๐—ฟ๐˜๐—ฒ ๐—ฎ๐˜ ๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐—ธ ๐—ป๐—ถ๐˜๐—ผ๐—ป๐—ด ๐˜€๐—ถ ๐—ฉ๐—ถ๐—ฐ๐—ฒ ๐—ฃ๐—ฟ๐—ฒ๐˜€๐—ถ๐—ฑ๐—ฒ๐—ป๐˜ ๐—œ๐—ป๐—ฑ๐—ฎ๐˜† ๐—ฆ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ ๐——๐˜‚๐˜๐—ฒ๐—ฟ๐˜๐—ฒ ๐—ป๐—ฎ ๐—ฝ๐—ผ๐˜€๐—ถ๐—ฏ๐—น๐—ฒ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ฎ๐˜†๐—ฟ๐—ผ๐—ผ๐—ป ๐˜€๐—ถ๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ป๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—ป ๐—ธ๐—ฎ๐˜‚๐—ด๐—ป๐—ฎ๐˜† ๐˜€๐—ฎ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด๐˜๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—ด๐—ผ ๐˜€๐—ฎ ๐—ฏ๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐˜€ ๐—ป๐—ด ๐—น๐—ถ๐—ฑ๐—ฒ๐—ฟ ๐—ป๐—ด ๐—ž๐—ถ๐—ป๐—ด๐—ฑ๐—ผ๐—บ ๐—ผ๐—ณ ๐—๐—ฒ๐˜€๐˜‚๐˜€ ๐—–๐—ต๐—ฟ๐—ถ๐˜€๐˜ (๐—ž๐—ข๐—๐—–) ๐—ป๐—ฎ ๐˜€๐—ถ ๐—ฃ๐—ฎ๐˜€๐˜๐—ผ๐—ฟ ๐—”๐—ฝ๐—ผ๐—น๐—น๐—ผ ๐—–. ๐—ค๐˜‚๐—ถ๐—ฏ๐—ผ๐—น๐—ผ๐˜†.

Ipinaliwanag ni Valeriano, chairman ng House Committee on Metro Manila Development, na maaaring may nalalaman ang mag-amang Duterte tungkol sa mahabang panahong pagtatago ni Pastor Quiboloy kaya dapat lamang na maisailalim sila sa masusing pagsisiyasat.

Dagdag pa ni Valeriano na naging kaduda-duda rin ang mga naging sagot ng mag-amang Duterte nang minsan silang tanungin patungkol sa posibleng kinaroroonan ng puganteng lider ng KOJC. Ang isinagot ng dating Pangulo ay hindi nito sasabihin kung nasaan si Quiboloy habang si VP Sara naman aniya ay sumagot na maaaring nakalabas na ng Pilipinas ang naturang wanted ng Pastor. Kung saan, may isinagot pa itong nasa Langit si Quiboy.

Sabi pa ng Manila solon na ang naging pahayag ni VP Sara na wala na umano sa compound ng KOJC sa Davao City si Quiboloy ay isang malinaw na indikasyon na posibleng inililigaw o kaya ay nililinlang nito ang mga pulis na naghahanap at tumutugis sa puganteng Pastor.

Dahil dito, ipinahayag pa ni Valeriano na dapat saliksikin din sa nasabing imbestigasyon kung mayroon talagang naging partisipasyon o papel ang mag-amang Duterte sa pagtatago ni Quiboloy at kung sakaling mapatunayan ito ay nararapat lamang aniya na masampahan sila ng kaukulang kaso.

Naninindigan din ang mambabatas na hindi magkakaroon ng lakas ng loob si Quiboloy na pagtaguan ang batas kung wala talagang “malaking tao” ang nagbigay sa kaniya ng proteksiyon.

Pagdidiin ni Valeriano na dapat lamang na kasuhan ng obstruction of justice ang mga taong ito dahil sa prinsipyong walang sinoman ang makakahigit sa batas o kung tawagin aniya ay “no one is above the law”.

๐—ง๐—ผ ๐—š๐—ผ๐—ฑ ๐—ฏ๐—ฒ ๐˜๐—ต๐—ฒ ๐—š๐—น๐—ผ๐—ฟ๐˜†