Madrona

Pagsusulong ng DOT ng mga proyekto para sa Or. Mindoro suportado ng House Committee on Tourism

Mar Rodriguez Nov 18, 2023
197 Views

SINUSUPORTAHAN ng Chairman ng House Committee on Tourism na si Romblon Lone Dist. Cong. Eleandro Jesus “Budoy” F. Madrona ang plano ng Department of Tourism (DOT) na maglatag ng mga proyekto para sa Oriental Mindoro matapos ang nangyaring “oil spil” sa karagatan ng nasabing lalawigan.

Sinabi ni Madrona na maganda ang plano ni Tourism Sec. Maria Christina Garcia Frasco para sa Oriental Mindoro pagkatapos ng mala-trahedyang gumimbal sa nasabing lalawigan bunsod ng nanganap na “oil spill” kung kaya’t nakatakdang buhayin ng DOT ang turismo ng Oriental Mindoro.

Naniniwala si Madrona na sakaling maisakatuparan ang pina-plano ng Tourism Department para sa Oriental Mindoro. Inaasahan na magiging susunod na “cruise destination” ang naturang lalawigan at pangunahing tourist destination naman sa darating na hinaharap.

Dahil dito, ipinaliwanag ni Madrona na dahil sa magandang plano ng DOT para sa lalawigan. Tuluyan ng makaka-recover ang Oriental Mindoro mula sa oil spill. Kung saan, ang isa sa mga plano ng ahensiya ay ang buksan ang Tourist Rest Area (TRA) ng lalawigan sa Bongabong sa darating na 2024.

Binigyang diin ng kongresista na maituturing na isang malaking “asset” ang Oriental Mindoro sa pagiging isang “potential tourist destination” dahil narin sa naga-gandahang beaches nito, mga lugar para sa dive sites, mountainscapes at mga makasaysayang kuweba (caves) na lalong nagpapatanyag sa lalawigan na inaasahang magpapahatak ng maraming turista.

Samantala, nagbigay naman ng “courtesy call” kay Madrona sa Kongreso ang bagong talagang Regional Director ng National Bureau of Investigations (NBI) sa MIMAROPA na si Atty. Gelacio “Gel” Bongngat.

Tiniyak naman ni RD Bongngat kay Madrona na mas lalo nitong ilalapit sa publiko ang NBI sa pamamagitan ng pagtatag o pag-establisa ng NBI satellite office sa lalawigan ng Romblon na sinusuportahan naman ng kongresista.