Vergeiri

Pagtaas ng bilang ng severe at critical cases ng COVID-19 kinumpirma ng DOH

184 Views

KINUMPIRMA ng Department of Health (DOH) na tumaas ang bilang ng severe at critical cases ng COVID-19 sa mga nakalipas na linggo.

Ayon kay DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire mayroong 811 kaso ng severe at critical cases na naka-confine sa mga pagamutan hanggang noong Linggo, Agosto 21

Mula Agosto 15 hanggang 21, ay 101 sa 23,883 naitalang bagong kaso ng COVID-19 ang severe at critical cases.

Nilinaw naman ni Vergeire na maikokonsidera na mababa pa rin ang bilang na ito at hindi pa lumalagpas sa 1,000 kaso o 10 porsyentong threshold.

Ayon pa kay Vergeire sa nasa 60 porsyento ng mga severe at critical cases ay hindi nabakunahan laban sa COVID-19.

Nananatili ring mababa ang hospital utilization ng bansa o 699 lamang sa 2,586 intensive care unit (ICU) bedsat 6,677 sa 22,076 non-ICU bed ang ginagamit.