Frasco

Pagtatatag ng CNU sa Catmon isinulong ni Frasco

Mar Rodriguez Nov 16, 2024
69 Views

LALO pang pinagtibay ni House Deputy Speaker Vincent Franco “Duke” D. Frasco ang kaniyang commitment sa pamamagitan ng pagbibigay nito ng prioridad sa edukasyon ng mga kabataang estudyante sa kanilang lalawigan matapos na maghain ito ng panukalang batas sa Kamara de Representantes upang magkaroon ng university campus sa Cebu.

Ayon sa House Deputy Speaker, ipinagpapatuloy nito ang kaniyang commitment upang mabigyan ng de-kalidad na edukasyon ang mga kabataang mag-aaral at mailapit sa mga mahihirap na estudyante ang pagkakataon na sila ay makapagtapos ng kanilang pag-aaral.

Dahil dito, isinulong ni Frasco ang House Bill No. 11063 sa Mababang Kapulungan na naglalayong maitatag ang campus ng Cebu Normal University sa Catmon, Cebu.

Sabi ni Frasco na nilalayon ding isinulong nitong panukalang batas na magkaroon ng de-kalidad subalit abot kayang edukasyon para sa libo-libong mag-aaral sa kanilang lalawigan partikular na ang mga mahihirap na estudyante.

Paliwanag pa ng kongresista na napakahalaga ng magiging papel ng CNU sapagkat malaki ang maitutulong nito para sa mga mahihirap na pamilya sa Catmon na walang kakayahang pag-aralin ang kanilang mga anak kasama na dito ang mga pamilya mula sa malalayong lugar.

Ang CNU, ayon pa kay Frasco, ang isa sa pinakamatandang unibersidad sa Cebu na inaasahang magkakaloob ng mga programa at pasilidad na tutugon sa espesipikong pangangailangan ng mga mag-aaral mula sa ika-limang distrito ng Cebu.

Kabilang sa mga kursong iaalok ng CNU ay ang agriculture at tourism.

“This Bill supports the constitutional mandate to make education accessible to all. And it reflects our shared vision of a future where no young Cebuanos have to sacrifice their dreams due to distance or cost. Together, let us build a brighter more inclusive future for Cebu through education,” sabi ni Frasco.