Calendar
Pahayag ni PBBM na walang matitigok na adik sa illegal drug campaign ng pamahalaan pinuri ni Valeriano
𝗣𝗜𝗡URI 𝗻𝗶 𝗠𝗮𝗻𝗶𝗹𝗮 𝟮𝗻𝗱 𝗗𝗶𝘀𝘁. 𝗖𝗼𝗻𝗴. 𝗥𝗼𝗹𝗮𝗻𝗱𝗼 “𝗖𝗥𝗩” 𝗠. 𝗩𝗮𝗹𝗲𝗿𝗶𝗮𝗻𝗼 𝗮𝗻𝗴 𝗻𝗮𝗴𝗶𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗵𝗮𝘆𝗮𝗴 𝗻𝗶 𝗣𝗿𝗲𝘀𝗶𝗱𝗲𝗻𝘁 𝗙𝗲𝗿𝗱𝗶𝗻𝗮𝗻𝗱 “𝗕𝗼𝗻𝗴𝗯𝗼𝗻𝗴” 𝗥. 𝗠𝗮𝗿𝗰𝗼𝘀, 𝗝𝗿. 𝘀𝗮 𝗸𝗮𝗻𝗶𝘆𝗮𝗻𝗴 𝗶𝗸𝗮𝘁𝗹𝗼𝗻𝗴 𝗦𝘁𝗮𝘁𝗲 𝗼𝗳 𝘁𝗵𝗲 𝗡𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗔𝗱𝗱𝗿𝗲𝘀𝘀 (𝗦𝗢𝗡𝗔) 𝗻𝗼𝗼𝗻𝗴 𝗻𝗮𝗸𝗮𝗿𝗮𝗮𝗻𝗴 𝗹𝗶𝗻𝗴𝗴𝗼 𝗻𝗮 𝘄𝗮𝗹𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗽𝗮𝗽𝗮𝘁𝗮𝘆 𝗻𝗮 “𝗱𝗿𝘂𝗴 𝗽𝘂𝘀𝗵𝗲𝗿𝘀 𝗮𝘁 𝗱𝗿𝘂𝗴 𝘂𝘀𝗲𝗿𝘀” 𝘀𝗮 𝗽𝗮𝗴𝗹𝘂𝗹𝘂𝗻𝘀𝗮𝗱 𝗻𝗴 𝗴𝗼𝗯𝘆𝗲𝗿𝗻𝗼 𝗻𝗴 “𝗶𝗹𝗹𝗲𝗴𝗮𝗹 𝗱𝗿𝘂𝗴s 𝗰𝗮𝗺𝗽𝗮𝗶𝗴𝗻”.
Para kay Valeriano, chairman ng House Committee on Metro Manila Development, kahanga-hanga ang binitiwang pahayag ng Pangulong Marcos, Jr.
Binigyang diin ni Valeriano na hindi naman talaga kinakailangang gamitan ng karahasan ang nasabing kampanya dahil hindi ito maituturing na mabisang solusyon upang puksain ang paglaganap ng illegal na droga sa bansa.
Ipinaliwanag ng mambabatas na kahit araw-araw may natitigok na drug addict ay hindi pa rin talaga mahihinto ang paglaganap ng ipinagbabawal na gamot sapagkat hindi naman natutugunan ang totoong pinag-uugatan ng problema.
Pagdidiin pa ni Valeriano, kahit 6,000 drug addicts ang namatay sa inilunsad na “war on drugs” noong nakalipas na administrasyon hindi pa rin nahinto ang paglaganap ng ipinagbabawal na gamot at lalong hindi naman natinag ang mga drug pushers at drug users kahit batid nila ang kanilang kasasapitan.
Sinabi din ni Valeriano na kahit hindi gumagamit ng dahas ang kampanya ng pamahalaan makikita na rin sa mga datos na epektibo ang kanilang kampanya.
Sa mahigit sa 75,000 operasyon nito, P40 bilyong halaga ng illegal na droga ang nakumpiska at 97,000 naman ang naaresto na sangkot sa illegal na droga.