Calendar
Pahayag ni SFMR na may mananagot sa POGO, suportado ni Dy
๐ฆ๐๐ก๐จ๐ฆ๐จ๐ฃ๐ข๐ฅ๐ง๐๐๐๐ก ๐ป๐ถ ๐๐ผ๐๐๐ฒ ๐๐ฒ๐ฝ๐๐๐ ๐ ๐ฎ๐ท๐ผ๐ฟ๐ถ๐๐ ๐๐ฒ๐ฎ๐ฑ๐ฒ๐ฟ ๐ฎ๐ ๐๐๐ฎ๐ฏ๐ฒ๐น๐ฎ ๐ฒ๐๐ต ๐๐ถ๐๐. ๐๐ผ๐ป๐ด. ๐๐ฎ๐๐๐๐ถ๐ป๐ผ “๐๐ป๐ป๐ผ” ๐. ๐๐ ๐ฉ ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฎ๐ต๐ฎ๐๐ฎ๐ด ๐ป๐ถ ๐๐ผ๐๐๐ฒ ๐ฆ๐ฝ๐ฒ๐ฎ๐ธ๐ฒ๐ฟ ๐๐ฒ๐ฟ๐ฑ๐ถ๐ป๐ฎ๐ป๐ฑ ๐ ๐ฎ๐ฟ๐๐ถ๐ป ๐๐ผ๐บ๐ฒ๐ ๐ฅ๐ผ๐บ๐๐ฎ๐น๐ฑ๐ฒ๐ ๐ป๐ฎ ๐บ๐ฎ๐๐ฟ๐ผ๐ผ๐ป๐ด ๐บ๐ฎ๐ป๐ฎ๐ป๐ฎ๐ด๐ผ๐ ๐๐ฎ ๐บ๐ด๐ฎ ๐ถ๐น๐น๐ฒ๐ด๐ฎ๐น ๐ป๐ฎ ๐ฎ๐ธ๐๐ถ๐ฏ๐ถ๐ฑ๐ฎ๐ฑ ๐ป๐ฎ ๐ธ๐ถ๐ป๐ฎ๐๐ฎ๐ป๐ด๐ธ๐๐๐ฎ๐ป ๐ป๐ด ๐ถ๐น๐น๐ฒ๐ด๐ฎ๐น ๐ป๐ฎ ๐ผ๐ฝ๐ฒ๐ฟ๐ฎ๐๐๐ผ๐ป ๐ป๐ด ๐ฃ๐ต๐ถ๐น๐ถ๐ฝ๐ฝ๐ถ๐ป๐ฒ ๐ข๐ณ๐ณ๐๐ต๐ผ๐ฟ๐ฒ ๐๐ฎ๐บ๐ถ๐ป๐ด ๐ข๐ฝ๐ฒ๐ฟ๐ฎ๐๐ผ๐ฟ๐ (๐ฃ๐ข๐๐ข).
Ipinaliwanag ng House Deputy Majority Leader na kinakailangang panagutan at maparusahan ang mga taong nagbigay ng proteksiyon at nagsilbing “padrino” upang makapasok sa Pilipinas ang illegal na operasyon ng POGO at higit sa lahat ay lumaganap ito sa iba’t-ibang bahagi ng bansa.
Pagdidiin ni Dy na hindi dapat basta na lamang kalimutan at ipagkibit balikat ang pagkakasangkot o “involvement” ng mga kilalang personalidad na nalantad ang kanilang pagkakakilanlan matapos silang tukuyin na nagbibigay pala ng proteksiyon at tumayong “padrino” ng POGO operations.
Sabi pa ni Dy, sa ilalim ng batas, malaki ang pananagutan ng mga nasabing personalidad o mga dating opisyal ng pamahalaan sapagkat mistulang pinagtaksilan nila ang kanilang sariling bansa dahil sa pagbibigay ng proteksiyon sa mga Chinese nationals na nagpasimula at nag-operate ng illegal POGO sa Pilipinas.
Ang pinaghuhugutan ng pahayag ni Dy ay patungkol sa pagtitiyak ni Speaker Romualdez na mayroong mananagot sa mga illegal activities na iniuugnay o kinasasangkutan ng illegal POGO operations.
“Those who are accountable will have to face the law. Mananagot sila sa batas,” pahayag ni Speaker Romualdez kaugnay sa mga taong nasangkot sa POGO.
Sinabi pa ng kongresista na na-establisa at lumago ang operasyon ng POGO sa Pilipinas noong nakaraang administrasyon. Subalit makalipas ang ilang taon ay mas lalo pang dumami ang illegal activities na kinasasangkutan ng POGO na ginagamit na front.
Samantala, pinangunahan naman ni Dy ang pormal na pagbubukas at ribbon cutting ng ipinagawa nitong “road concreting project” na matatagpuan sa Barangay, Rizal East San Isidro, Isabela na magbibigay ng malaking pakinabang para sa mga residente ng lalawigan.