Speaker Martin G. Romualdez

Pakikipag-pulong ni PBBM kay US Pres. Joe Biden magiging produktibo, ayon kay House Speaker Martin Romualdez

Mar Rodriguez Apr 26, 2023
211 Views

IPINAHAYAG ni House Speaker Ferdinand Martin Gomez Romualdez na malaki ang kaniyang paniniwala na magiging produktibo at malusog ang nakatakdang pakikipag-pulong ni President Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr. Kay United States (US) President Joe Biden kabilang ang ilang matataas na opisyal ng Estados Unidos.

Inilatag din ni Speaker Romualdez ang pundasyon o groundwork ng nakatakdang pulong ng dalawang head of state para lalo pang paigtingin ang relasyon ng Pilipinas at Amerika sa larangan ng ekonomiya at kalakalan.

Nauna rito, nagkaroon din ng dalawang linggong US trip ang House Speaker upang makipag-pulong sa mga Amerikanong mambababtas para pag-usapan ang defence at security cooperation. Kasama dito ang economic partnership sa pagitan ng Pilipinas at US.

“I think the conditions are right for the meeting between President Bongbong Marcos and President Joe Biden. We had high hopes for the exchange of ideas between the two leaders and its outcome,” ayon kay Speaker Romualdez.

Si Speaker Romualdez ay nananatili sa US kasunod ng pakikipag-pulong nito sa kaniyang counterpart na si US House Speaker Kevin McArthy kabilang na ang iba pang Amerikanong mambabatas at iba pang US officials.

Nakipag-pulong din ang House Speaker kasama ang kaniyang delegasyon kay US House Majority Leader Steve Scalise. Kabilang din sina US congressmen Young Kim, Mike Rogers, Darrel Issa, Ami Bera at Chris Stewart.

Ipinagmalaki ni Speaker Romualdez na ang ginawa nitong pakikipag-pulong o meeting sa Speaker ng US House of Representatives at iba pang Amerikanong mambabatas ay naging makasaysayan at masagana.

“Our meeting proved fruitful as the Philippine delegation managed to impress on Speaker McArthy the need for the legislative representatives of the two countries to rump up discussions on how to futther boost US-Philippine relations,” sabi pa ni Speaker Romualdez.