West Philippine Sea

Palasyo di itinuturing na armed attack ‘pananakit’ ng CCG sa tauhan ng AFP

Chona Yu Jun 21, 2024
121 Views

HINDI itinuturing ng Palasyo ng Malakanyang na armed attack ang ginawang pananakit ng Chinese Coast Guard sa mga tauhan ng Armed Forces of the Philippines sa Ayungin Shoal.

Pahayag ito ni Executive Secretary Lucas Bersamin, chairman ng National Maritime Council, matapos ang ginawang pagpupulong sa Malakanyang.

Ayon kay Bersamin, maaring hindi lamang nagkaintindihan o aksidente ang nangyari.

“No, you know, this was probably a misunderstanding or accident. We are not yet ready to classify this as an armed attack. I don’t know kung yung mga Nakita naming is mga bolo, axe, nothing beyond that,” pahayag ni Bersamin.
Isa sa mga sundalo ang naputulan ng daliri nang umatake ang Chinese Coast Guard sa barko ng AFP.

Ayon kay Bersamin, inirekomenda ng council kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na ianunsyo ang rotation at reprovision missions sa BRP Sierra Madre na mananatiling routinary at regular na naka-schedule.

Hindi aniya maikakaila na nanatili ang banta sa seguridad ng lagpas pa sa West Philippine Sea.