Baha

Pamahalaan nakahanap ng solusyon sa baha sa MM

Chona Yu Sep 25, 2024
131 Views

MAY nahanap nang solusyon ang pamahalaan para masolusyunan ang problema sa baha sa Metro Manila.

Sa pulong ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Private Sector Advisory Council (PSAC)- Infrastructure and Digital Infrastructure Sector Groups at iba pang ahensiya ng gobyerno sa Palasyo ng Malakanyang, sinabi ng punong ehekutibo na na maaring magtayo ng matataas na flood walls.

Ayon kay Pangulong Marcos, maari ring ikasa ang agresibong reforestation program o pagtatanim ng mga puno at ang pagtugon sa problema sa basura sa pamamagitan ng waste to energy para maging enerhiya ang basura.

Dagdag ni Pangulong Marcos, hindi rin sapat ang pagtatanim ng mga puno para masolusyunan ang pagbaha dahil dumami na ang populasyon sa bansa at hindi na sapat ang kasalukuyang flood control system ng gobyerno.

Lahat na rin aniya ng basura ay napupunta sa daanan ng tubig, kaya bigo ang mg pumping station na gumana, gayundin ang watershed areas na nagdurusa dahil sa iresponsableng pagtatapon ng basura ng mga tao.