Basilan Emman Calo (may hawak ng bola) at Arwind Santos nagpa-sikat sa Basilan Starhorse.

Pampanga, Basilan, Quezon hindi nagpa-awat

Robert Andaya Jun 20, 2025
18 Views

PATULOY ang pamamayagpag ng Pampanga Giant Lanterns, Basilan Starhorse at Quezon Huskers sa Manny Pacquiao presents 1xBet-MPBL 2025 Season sa Bren Z. Guiao Convention Center sa San Fernando, Pampanga.

Binigo ng back-to-back champions Pampanga Giant Lanterns ang Bin̈an Tatak Gel, 60-57, upang itala ang kanilang 12th win laban sa apat na talo sa round-robin elimination phase ng 30-team tournament, na itinataguyod ni boxing legend Manny Pacquiao.

Nagbida sa panalo ng Giant Lanterns si Larry Muyang, na humirit ng dalawang free throws sa huling 5.8 seconds ng sagupaan.

Si Muyang, na nahirang na “Best Player of the Game”, ay nanguna sa 14 points at 11 rebounds.

Si Rence Alcoriza ay may 10 points at 3 rebounds,habang sina Archie Concepcion, John Lloyd Clemente at Matt De Leon ay mag tig 5 points bawat isa.

Naglaro na din para sa Giant Lanterns ang dating Manila star John Ashley Faa, na umiskor ng 4 points.

Nalasap ng Binan ang 9-6 record sa kabila ng 17 points ni Carlo Lastimosa at 12 points, 12 rebounds at 2 steals ni Jaymar Gimpayan.

Una dito, lumamang ang Pampanga ng 56-39 sa unang bahagi ng fourth quarter bago pinigil ang rally ng Bin̈an.

Hiniya naman ng Basilan Starhorse ang Paranaque matapos magtala ng 10-0 fnishing kick sa huling 2:14 ng laro tungo sa 76-65 panalo.

Nagpasiklab sina veteran Arwind Santos sa kanyang14 points, 10 rebounds, 4 assists at 2 steals, James Tempra sa kanyang 14 points at 9 rebounds, Emman Calo sa kanyang 13 points, 9 assists at 7 rebounds, at Gab Dagangon sa kanyang 12 points at 7 rebounds para sa Basilan, na may 7-8 record.

Ang Paran̈aque, na bumagsak sa 1-14, ay nakakuha ng 16 points at 4 rebounds mula kay homegrown star Paolo Castro, 14 points at 12 rebounds mula kay Allen Papa, at 12 points, 2 rebounds at 2 assists mula kay Jasper Cuevas.

Gayundin, namayani ang Quezon Huskers laban sa Bulacan Kuyas, 91-61.

Namuno sina JP Sarao, Joseph Gabayni,

Diego Dario, LJ Gonzales and Judel Fuentes para sa Quezon, na umakyat sa 12-3 kartada.

Si Sarao, last year’s Mythical Team member, ay nagtala ng 15 points, 6 rebounds at 3 assists, habang si Gabayni ay may 12 points, 6 rebounds at 2 assists para sa Quezon.