Martin2 Ang prestihiyosong pagkilala ay nakasaad sa plaque na ibinigay kay Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. sa ika-63 anibersaryo ng Philconsa na ginanap sa Palasyo ng Malacañang noong Setyembre 26.

Pamumuno, pagtanggal sa Konstitusyon ni Speaker Romualdez pinarangalan ng Philconsa

86 Views

KINILALA ng Philippine Constitution Association (Philconsa) si Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez sa natatanging dedikasyon sa pagtaguyod at pangangalagan sa Konstitusyon at mga batas.

Ang prestihiyosong pagkilala ay nakasaad sa plaque na ibinigay kay Speaker Romualdez ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. sa ika-63 anibersaryo ng Philconsa na ginanap sa Palasyo ng Malacañang noong Setyembre 26.

Sa kanyang mensahe bilang guest of honor, kinilala ni Pangulong Marcos ang mahalagang papel ng Philconsa sa pagbabantay ng demokrasya at ng bansa.

Ang plaque, kung saan nakasaad na kinikilala si Speaker Romualdez sahil sa kanyang “unflagging interest to preserve the sanctity of the Constitution and the Rule of Law” ay pirmado nina retired Supreme Court Chief Justice Reynato Puno, Philconsa Chairman; Jose Leviste, Jr., Executive Vice President; at Atty. Michelle Lazaro, Secretary General ng organisasyon.

Bilang kasalukuyang pangulo ng Philconsa, kinilala si Speaker Romualdez sa kanyang “purposeful leadership and untiring support to the Philconsa, which enabled it to play its role as the foremost champion of the Constitution.”

Binigyan-diin din a plaque ang kanyang pangako na titiyakin na patuloy na poprotektahan ng Konstitusyon ang buhay, kalayaan, at mga ari-arian ng mga Pilipino kasabay ng mga hamon na dala ng pagbabago.

Ang Philconsa ay itinatag noong Setyembre 26, 1961. Isa itong non-stock at non-profit civic organization na binubuo ng mga legal luminaries, negosyante, at socio-civic leader na ang hangarin ay maipagtanggol at mapangalagaan ang Konstitusyon.

Ang organisasyon ay nagsasagawa rin ng mga aktibidad upang magkaroon ng kamalayan at pasiglahin ang interes ng publiko sa mga pangunahing batas sa pamamagitan ng pagtataguyod ng kahalagahan at kaugnayan nito sa kanila.