Panadero tigok sa baril ng sekyu dahil di nagbayad sa gate

Gil Aman Jun 10, 2025
19 Views

PATAY ang 26-anyos na panadero nang barilin sa Iikod ng ulo ng suspek na security guard na nakatakas dahil sa away sa Brgy. Malitlit, Sta Rosa City, Laguna noong Linggo.

Nasawi si alyas Aldrin dahil sa malubhang tama sa ulo sa Sta. Rosa Community Hospital. Nakatakas si alyas Ronald, 30, security guard sa San Lorenzo subdivision ng naturang siyudad.

Nag-ugat ang pamamaril ng suspek sa biktima hinggil sa pagdaan sa gate ng biktima habang nagmamaneho ng tricycle.

Madalas umanong hindi nagbabayad ang biktima sa gate kaya madalas magsasagutan ang biktima at suspek.

Ang pinakahuling pangyayari, ayon sa pulisya, ay noong madaling araw ng Linggo kung saan inihatid ng biktima ang kasamahan sa bakery.

Habang pabalik na ang biktima, inabangan ng security guard ang biktima at ng makalampas binaril sa likod ng ulo ng kanyang service firearm.

Matapos ang pamamaril, tumakas ang suspek patungo sa Brgy. Dita at hindi pa naaresto.