Barbers

Panawagan ni Speaker Romualdez kaugnay sa pagtalakay ng Kongreso sa Cha-Cha, suportado ni Barbers

Mar Rodriguez Dec 21, 2023
149 Views

SINUSUPORTAHAN ni Surigao del Norte 2nd Dist. Cong. Robert Ace “Alas” S. Barbers ang panawagan ni House Speaker Ferdinand Martin Gomez Romualdez patungkol sa gagawing pagtalakay ng Kamara de Representantes sa Charter Change (Cha-Cha) sa susunod na taon (2024).

Sinabi ni Barbers, Chairman ng House Committee on Dangerous Drugs, na sang-ayon siya sa panawagan ni Speaker Romualdez na kailangang maisama na sa agenda ng Kamara de Representantes sa 2024 ang diskusyon at talakayan kaugnay sa pag-amiyenda sa 1987 Philippine Constitution.

Ayon kay Barbers, napakahalaga aniya na mapasama sa mga dapat baguhin sa 1987 Philippine Constitution ay ang economic, social at political provisions para maging responsive o makatugon ang mga nasabing probisyon sa kasalukuyan o modernong panahon at sa darating na hinaharap.

Ipinaliwanag ni Barbers na ang pagbabago o revision sa Konstitusyon ay maituturing na isang mabisang sangkap para sa kasalukuyang Pangulo ng bansa at sa mga susunod sa kaniyang puwesto sa pamamagitan ng pagbebenta ng Pilipinas sa mga foreign investors tungo sa pag-unlad ng ekonomiya ng bansa.

Binigyang diin ng kongresista na kahit ilang panukalang batas pa ang isulong sa Kongreso kaugnay sa pagpapa-unlad ng ekonomiya ng Pilipinas. Wala parin umanong pagbabago ang magaganap hangga’t hindi nababago ang mga nasabing probisyon ng Salibang Batas na totoong magsusulong sa ekonomiya ng bansa.

“Passing laws in the hope of curing the flaws of the Charter is an admission of the need to amend it. Even if Congress pass a thousands of economic laws in contravention of the Constitution. They will be questioned before the Supreme Court. It is a waste of valuable resources,” ayon kay Barbers.

Sinabi pa ni Barbers na ang pagpasa ng mga batas upang matugunan ang limitasyong nakasaad sa Konstitusyon ay isa umanong pag-amin na mayroong dapat baguhin o ayusin sa 1987 Constitution upang makatugon ito sa kasalukuyang pangangailangan ng bansa particular na sa larangan ng ekonomiya.