Vargas

Panukalang batas para magkaroon ng sapat na supply ng pagkain isinulong ng isang kongresista

Mar Rodriguez Nov 28, 2022
223 Views

Panukalang batas para sa sapat na food supply isinulong

ITINUTULAK ngayon ng isang neophyte Metro Manila congressman na magkaroon ng sapat na supply ng pagkain sa bansa. Matapos nitong imungkahi sa pamahalaan ang pagtatatag ng tinatawag na “national security framework”.

Inihain ni Quezon City 5th Dist. Patrick Michael “PM” D. Vargas ang isang panukalang batas na naglalayong magbalangkas ang gobyerno ng isang “framework” o isang sistema upang magkaroon ng sapat na supply ng pagkain sa Pilipinas.

Sa ilalim ng House Bill No. 4562 na pinamagatang “Right Adequate Food Framework Bill” na isinulong ni Vargas sa Kamara de Representantes. Layunin nito na matugunan ang krisis sa kawalan ng supply ng pagkain sa pamamagitan ng pagtitiyak na mayroong sapat na supply hanggang sa distribution nito sa mga pamilihan.

Sinabi pa ni Vargas na ipinahayag mismo ni President Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., tumatayong Kalihim ng Department of Agriculture, na gagawin nito ang lahat ng paraan para magkaroon ng matatag na food supply sa bansa. Kasunod ng pagtitiyak aniya ng Pangulo na ma-improve ang food production bilang tugon naman sa lumolobong problema kaugnay sa “global food crisis” na iniulat ng World Bank, the World Trade Organization, the United Nations Food and Agriculture Organization, at ang World Food Programme.

“In his speech at the 77th session of the United Nations (UN) General Assembly in September, President Marcos emphasized the importance of food as “the very basis of human security.” ayon kay Vargas.