Speaker Romualdez ROMUALDEZ WITH LABOR LEADERS – Si Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez (center), kasama sina (seated, 2nd from left) Deputy Speaker at TUCP Party-list Rep. Raymond Democrito Mendoza at (seated, 2nd from right) Tingog Party-list Rep. Jude Acidre, ay nakipagpulong sa mga labor leader at kinatawan ng mga pangunahing labor group sa bansa noong Martes sa Social Hall ng Office of the Speaker sa Batasan Complex, Quezon City. Kuha ni VER NOVENO

Panukalang dagdag sahod mamadaliing ipasa ng Kamara — Speaker Romualdez

98 Views

TINIYAK ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez na mamadaliin ng Kamara de Representantes ang pagpasa ng panukalang magtataas sa minimum wage, at gagawin ito ng binabalanse ang pangangailangan ng mga manggagawa at kalagayan ng mga micro, small at medium enterprises (MSMEs).

“The House of the People is working tirelessly to craft a wage increase measure that meets the needs of our workers while ensuring that businesses, particularly MSMEs, are supported during this transition. This is a critical step toward achieving inclusive growth and addressing the immediate challenges faced by Filipino families,” ani Speaker Romualdez.

Noong Martes ng gabi, nakipagpulong si Speaker Romualdez sa mga labor leader at kinatawan ng mga pangunahing labor group sa bansa sa Social Hall ng Office of the Speaker sa Batasan Complex, Quezon City, para pakinggan ang kanilang mga hinaing at mungkahi kaugnay sa hinihinging umento sa sahod.

Nasa pagpupulong din sina Deputy Speaker at TUCP Party-list Rep. Democrito Raymond Mendoza at Tingog Party-list Rep. Jude Acidre.

Naniniwala si Speaker Romualdez na napapanahon ang pagtalakay sa makatarungang pagtaas ng sahod ng mga ordinaryong manggagawa, bunsod ng patuloy na pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin at serbisyo.

Binanggit ng pinuno ng Kamara na ang huling batas na nagtakda ng pagtaas ng sahod, ang Wage Rationalization Act of 1989, ay naisabatas mahigit tatlong dekada na ang nakalipas, kung saan nakapagbigay umano ng angkop na umento sa sahod ng hindi nagdulot ng lubhang pagtaas sa presyo ng mga bilihin at pagsasara ng mga negosyo.

“If we were able to do this in the past, there is no reason why we cannot do it now, especially with careful planning and collaboration with all sectors. Hindi lang natin tataasan ang suweldo, titiyakin din natin na makatutulong ito sa ating ekonomiya,” giit ni Speaker Romualdez.

“Ang lumalabas na consensus dito sa House of Representatives, pending ongoing public consultation, baka kayang dagdagan ng P200 bawat araw ang minimum wage,” wika pa nito.

Binigyang-diin ni Speaker Romualdez ang mas malawak na benepisyong pang-ekonomiya ng pagtaas ng sahod dahil lalaki umano ang kakayanan ng maraming pamilya na gumastos at bilhin ang kanilang pangangailangan, na magpapasigla sa lokal na ekonomiya at magdudulot ng pangmatagalang pag-unlad sa bansa.

“Higher wages mean workers have more disposable income to spend on goods and services, increasing demand across various sectors. Since consumption is a significant driver of economic growth, this increased spending stimulates business activity, generates revenue, and supports job creation. In the Philippines, where consumer spending accounts for a substantial portion of GDP (gross domestic product), a wage hike can act as an economic catalyst,” paliwanag pa nito.

“A well-designed wage hike is not just an immediate solution to help workers cope with inflation, it is an investment in our collective future,” dagdag pa ng kongresista.

Gayunpaman, binigyang-diin ni Speaker Romualdez ang pangangailangang makahanap ng balanseng solusyon na kapaki-pakinabang sa mga manggagawa at employer.

Kabilang sa mga ikinokonsidera ng Kamara ang paglalagay ng probisyon para sa wage subsidies at pagbibigay ng exemptions sa mga MSME upang hindi magresulta sa pagkalugi ng mga ito ang pagtataas ng sahod.

“Our MSMEs are the backbone of our economy, and they must be protected even as we address the needs of our workers. Through wage subsidies and other mechanisms, we aim to ensure that no one is left behind,” saad pa ng lider ng Kamara.

Siniguro rin ni Speaker Romualdez sa publiko na ang Mababang Kapulungan ay nagsasagawa ng malawakang konsultasyon sa lahat ng stakeholders, kabilang ang mga grupo ng manggagawa, mga employer at mga ekonomista, upang matiyak na ang magiging batas ay inklusibo.

“This is a delicate balancing act, but the House is committed to addressing the concerns of all sectors. We are working on a measure that truly reflects the spirit of bayanihan, one that uplifts workers, supports businesses, and strengthens the economy,” ayon pa kay Speaker Romualdez.

Kabilang sa mga labor leaders na dumalo sa pulong ay sina: Michael Mendoza, pangulo ng ALU (Associated Labor Unions); Gerard Seno, pangulo ng APSOTEU (Associated Professional, Supervisory, Office and Technical Employees Union); Cecilio Seno Jr., pangulo ng ALU–Metal; Atty. Allan Montano, bise presidente ng FFW (Federation of Free Workers); Josua Mata, secretary general ng SENTRO (Sentro ng mga Nagkakaisa at Progresibong Manggagawa); Luis Corral, TUCP (Trade Union Congress of the Philippines) VP para sa pambansa at internasyonal na usapin; Arturo Basea, pangulo ng FUR (Federations of Unions of Rizal); Temistocles Dejon Jr., pangulo ng AWATU (All Workers Alliance Trade Union); Alvin Fidelson, pangulo ng KKKP (Kapisanan ng mga Kawani sa Koreo sa Pilipinas); Roland dela Cruz, pangulo ng NACUSIP (National Congress of Unions in the Sugar Industry of the Philippines); Arthur Juego, pangulo ng KILUSAN (Pambansang Kilusan ng Paggawa); Atty. Arnel Dolendo, pangulo ng PTGWO (Philippine Trade and General Workers Organization) at secretary general ng TUCP; at Shirley Yorong, assistant secretary general ng TUCP.